Teleserye [Title]: Maswerteng Dilag
Echoserang Frog [Author]: klushdee
Zsa-Zsa Padilla [Genre]: Fluff. Cotton Candy.Pantasya
Takip sa Mata o Piring [Pairing]: Yamada X Shida
MTRCB [Rating]: Pambata
TYPE: KABANATA
Charo Santos [Summary]: Si Mirai ay isang ordinaryong mag-aaral sa Horikoshi Gakuen pero dahil sa isang pangyayari ay nagbago ang lahat...Makakayanan kaya ni Mirai ang pressure sa bago niyang mundo?
Pang-ookray[A/N]: Mais. Perstaym ko pong magpost dito, kaya baka mali po yung pag-tag ko. Pagpaumanhin niyo na lang po. bows head
Patakbong tinungo ni Mirai ang kanilang classroom. Mahuhuli na kasi siya ang sungit-sungit pa naman ng homeroom teacher nila.
" Shida!" sigaw ni Umika. " Buti naman at nauna ka pa kay sensei, kung hindi naku katakot-takot na sermon ang maririnig mo."
"Sinabi mo pa, buti na lang talaga mabilis akong tumakbo." hinihingal na tugon ni Shida.
"Magandang umaga class". bati ni Bb. Tanaka, "May proyekto ako na ipapagawa sa inyo ito ay individual na proyekto so you have to work hard and do your best!".
-------------
Pagkatapos ng klase lumabas na sila sa kanilang classroom . Ang magkakaibigang Umika, Shida at Suzuka ay tinungo ang bench malapit sa guard post at nagkukuwentuhan habang nag-aabang sa kanilang sundo.
"Ang hirap naman ng pinapagawa ni sensei", angal ni Suzuka.
“Hay naku Suzuchan, sa ating lahat ikaw pa talaga ang nagwoworry eh may talent ka naman” sagot ni Umika.
“Mirai may naisip ka na bang gawin para sa talent showcase?” tanong ni Suzuka
“Wala nga eh pwede bang magluto na lang?” nagbibirong sagot ni Shida
“Mag monologue ka na lang kaya, magaling ka naman dun, parati kasi kitang nahuhuli na kausap ang sarili mo, hahaha” biro ni Umika
“ Ehhhh?, talaga nahuhuli mo pala ako Umichan?” nahihiyang tanong ni Shida
Tumango lang si Umika habang pinipigilan ang pagtawa.
Sa di kalayuan ang magbabarkadang Chinen, Yamada at Yuto ay nagrerehearse na sa kanilang iprepresent sa showcase.
“ Tingnan mo yung tatlong yun, hindi halatang excited, nagrerehearse agad” puna ni Suzuka kina Yuto.
“Sila nga ang pinaka confident eh, piece of cake lang sa kanila ang magperform” sagot ni Umika habang tinitingnan ang tatlo
“Kung sa bagay ang ganda ng perks pagnapili yung performance mo, magiging bahagi ka ng Special Class, Sugoi diba? May pagkakataon ka pang ma scout ng mga talent agency”tugon ni Suzuka
“ Naiinggit nga ako sa kanila eh, buti pa sila di masyadong na-ii stress sa kakaisip kung ano ang iprepresent”.malungkot na wika ni Mirai.
Walang kaalam-alam ang tatlo na may nakikinig pala sa kanila habang nag-uusap sila. Isang fairy, nakaramdam ito ng simpatiya kay Mirai kaya sumunod ito sa kanya pauwi sa kanila.
“Tadaima”
“Okairi Miraichan” bati ni Mrs. Shida, “Tamang- tama naihanda ko na ang meryenda, kumain ka muna”
“Hai, Itadaikimassu!
Pagkatapos kumain umakyat si Mirai sa kanyang kuwarto at nagbihis. Humiga siya sa kanyang bed at nag-isip ng malalim.
Kung magaling lang sana akong kumanta, di na ako mahihirapan, gusto ko talagang kumanta sa showcase! Onegai bigyan niyo po ako ng magandang boses!
Biglang may naisip si Mirai, tumayo siya, kinuha niya sa drawer ang video cam at sinet-up ito. Pinatugtog niya ang paborito niyang kanta kapag naliligo siya sa banyo at tumayo sa harap ng camera. Hawak niya ang kanyang suklay habang kumakanta. Nabigla siya sa kanyang narinig dahil iba ito sa kanyang nakasanayang boses kapag kumakanta siya sa banyo. Nag matapos ang kanta hininto na niya ang pagrecord sa sarili at pinanood ulit ang video.
“Whoah, boses ko ba talaga to? Bakit parang iba yata, pero ako lang naman mag-isa dito sa kwarto”
nagtatakang tanong ni Mirai habang pinanapanood ang video
Nagulat si Mirai nang may biglang lumitaw sa kanyang harapan. Isang maliit na nilalang. Isang dangkal lang ito katangkad at may suot na pink ballerina outfit . Mayroon itong pakpak.
Pumikit si Mirai at inaahasahang namamalikmata lang siya. Ngunit pagdilat niya, nadoon pa rin ang nilalang.
“ Anou, maari ko bang malaman kung sino ka at bakit ka nasa kwarto ko?” tanong ni Mirai.
“Ako nga pala si Chiharu ang music fairy, at your service!!” excited na sagot nito
“F-Fairy? Totoo pala kayo?” tanong ni Mirai
“Oo naman, nandito ako para tulungan ka, gaganda ang boses mo basta siguraduhin mo lang na lahat ng kakantahin mo ay galing sa puso”tugon ni Chiharu
“ Hontou? Salamat talaga, Yosh sa wakas makakapagpasaya na ako ng tao ng dahil sa kakantahin ko! ”
Napansin ng mga kaibigan ni Mirai ang pagbabago, mas lalo pa itong naging masayahin. Nagtaka sila kasi hindi na ito nagwoworry sa kanilang talent showcase at kapag tinatanong siya kung ano ang kanyang gagawin ang parati niyang sagot ay Himitsu. Tuwing uwian pumupunta si Mirai sa rooftop para magpractice ng kakantahin niya sa talent showcase. Lingid sa kaalaman niya hindi siya nag-iisa, may nakikinig sa kanya sa kabilang bahagi ng pinto.
---------
“Yamachan san ka galing?” tanong ni Yuto
“Huh? Ah sa library may ni research lang ako saglit” pagsisinungaling niya
Di mawala sa isipan ni Ryosuke ang narinig niya kanina. Unang beses niya narinig kumanta si Mirai at hindi niya akalain na sobrang ganda ng boses nito. Hindi niya alam kung bakit pero sobra siyang naapektuhan ng marinig ang boses ng dalaga. Siguro dahil paboritong kanta niya ang kinanta nito pero tumatagos sa puso niya ang boses ng dalaga.
“Malalim yata ang iniisip mo Yamachan” wika ni Chinen
“Huh?”
“ Kanina ka pa naming tinatanong kung sasama ka ba sa amin sa Arcade, di ka
sumasagot ”sambit ni Yuto
“ ah, pasensya na,hehehe, kailangan kong umuwi ng maaga ngayon” sagot ni Ryosuke
“Ok, Ja ne!”
--------------------------------------------
Araw na ng Talent Showcase
Naghahanda na ang lahat sa kanilang performance. Si Shida ay halatang kabado. Suot niya ang kanyang bagong off shoulder white dress. Napakaganda niya sa kanyang suot. Hindi makapaniwala sina Suzuka at Umika nang makita siya.
“Miraichan, ikaw ba talaga yan?” gulat na tanong ni Umika
“Ang ganda mo ngayon, di ko alam na may ganyan ka palang side, masyado ka kasing simple Mi-chan” dugtong ni Suzuka
“Yosh! Galingan nating tatlo para mapili tayo!”