Teleserye [Title]: I Strawberry Love You: Paynal
Echoserang Frog [Author]:
nodoka06 Zsa-Zsa Padilla [Genre]: Katakawan pa rin ni Yamada
Takip sa Mata o Piring [Pairing]: YamaChii X Strawberriesssss
MTRCB [Rating]: Pambata
Sulating Pangwakas [Word Count]: Di ko alam pero maikli lang
Charo Santos [Summary]: Hindi na kinaya ni Kanon kaya katapusan na.
Pang-ookray[A/N]: Korni ito promise. Para lang matapos na ang kalokohang ito.
Unang Kabanata Pangalawang Kabanata Pangatlong Kabanata Mabilis na dumaan ang mga araw, buwan, bituin, at ulan.Patapos na ang mga sandali ng kanilang pagiging second year, isang taon na lang at sabay na sabay na silang makaka graduate sa Horikoshi. Hindi nila maipaliwanag ang kanilang nadarama sa tuwing naiisip nila ang bagay na ito, mukhang mas excited pa nga sila sa mga talagang graduating.
Ngunit, ibahin nyo si Fukuda Kanon. Wala na syang balak pang tapusin ang kanyang hayskul layp sa paaralang yun. Hindi dahil sa hindi nila afford ang tuition, hindi rin dahil kung tutuusin graduating pa lang sya dapat ng Junior high (echusera kasi ung writer), at hindi rin dahil hindi nya makasundo si Shida Mirai. Above all the lame reasons, alam naman natin kung ano talaga ang dahilan. Yun ay dahil sa pinakapogi nyang klasmeyt, si Yamada Ryosuke.
Wala ni isang araw na hindi nya nasolo ang kanyang lunch. Kahit anong baunin nya kahit walang strawberry, sasaluhan at sasaluhan sya nito, parang naging hobby na nito na saluhan sya. Kaya marami tuloy na girls na naiingit sa kanya, isa na si toot, pero sa loob loob nya, sna sila na lang sinasaluhan ni Yamada sa lunch nila at hindi sya.
Kaya napagdesisyunan nya na. Iyon na ang una at huling taon nya sa Horikoshi, lilipat na sya ng school kung saan sila Ayaka.
---------
Dumating na ang araw na pinakahihintay nya. Panahon na rin para magpaalam sya sa kanyang mga kaeskwela. Tinipon ...nya ito lahat sa kanilang room at saka nya hinayag ang kanyang pamamaalam. Lahat ay nakadama ng kalungkutan miski si Mirai, baka daw kasi mamiss nya ang feeling na nadarama nia pag nagseselos siya. At syempre si Kamiki na super fan nya. Si Chinen naman ... ewan ko katext ata si Ohno. Habang may isang matabang lalake ang nag drama.
"Fuku-chan??" humihikbing-hikbing sabi nya. Mabilis din tumulo ang mga luha sa kanyang mata na umagos hanggang sa matatabang pisngi nya. Ganyan talaga pag best actor,nagagamit ang talent sa lahat ng panahon. "a-aalis ka na?? ... p-p-paano ...na school year? Sino ng sasaluhan q lagi tuwing lunch break? Sino ng magdadala lagi ng strawberry? Sino ng--"
Hindi na natapos ni Yamada ang kanyang sasabihin ng biglang tumayo si Mirai at bigla syang sinubuan ng super big red strawberry sa bibig.
"Hayaan mo na sya Yamada ... set her free."
TUK.
Nahulog ang cellphone ni Chinen. Hindi nya ata nagustuhan ang nireply ni Ohno. Ay mali, nakita nya pala kasi ang ginawa ni Mirai.
Nakatingin ang lahat sa kinauupuan ni Chinen. Si Kanon,si Mirai,Umika,Suzuka, Kamiki , basta lahat sila mal...iban kay Yamada na mukhang nakalimot na naman sa mga pangyayari at busy sa pag nguya ng pulang prutas sa bibig nya.
Ramdam nilang lahat ang tensyon sa pagitan nila Chinen, Shida at Fukuda. Pakiramdam nila nanunuod lang sila ng Teleserye. Tumayo si Chinen at unti unting lumapit sa kinatatayuan ni Mirai, nais humakbang ni Mirai ngunit ayaw ng mga paa nya.
Tuluyan ng nakarating si Chinen sa kinatatayuan ni Shida na katabi lang ng upuan ni Yamada. Natakot sya ng may dinukot bigla si Chinen sa kanyang bag, akala nya kung anong deadly weapon ang ilalabas nito na magiging sanhi ng kanyang kasawia...n.To the rescue na sana si Nakajima para isave sya. Isang baunan ang kanyang nilabas at pinatong ito sa lamesa ni Yamada.
"Ryosuke, ayan ang kasagutan sa mga tanong mo. Bumili kami ng strawberry field pra lang sayo. At kung sakaling maubos mo lahat ng strawberry sa mundo... andito pa naman ako, kasing tamis din naman ako ng mga prutas na yan. I can be your strawberry anytime,anywhere, strawberrYuri is here."
"Yuri ..." binuksan nya ang bento na alay sa kanya ni Chinen at sinamulan nya na itong ubusin. Sinamantala naman ni Kanon ang panahong iyon para lumabas ng room at ng buong school.
At the end walang nagawa si Mirai kung di sumama kay Yuto upang kumain ng lunch, naubos kasi baon nya sa pag bili nung strawberry, ginto ba naman kasi yung presyo. Kung alam nya lang na may field nun sila Chinen e di sana nangupit na lang s...ya.
Mukang nasatisfy naman si Yamada sa hinanda sa kanya ni Chinen at knowing na madami silang supplies ng strawberry kaya hinayaan nya nang maging malaya si Kanon. Bagkus tineks nya na lang ito ang nagpasalamat sa 1yr supplies ng ichigo at humingi na rin ng sorry. Mabait naman yan eh kahit masiba =))
"Alam mo Yuri.. Sayang naman no, hindi sila magkikita ni Ryuu sa pasukan."
"Oo nga Ryosuke no. Super excited pa naman si Ryuu-chan. Text ko nga sya para di na sya mag expect.. wawa na tsk."
"Mabuti pa nga."
TAPOS
yiip. Ang KORNI ng ending no. Salamat sa pangtangkilik :DD