(no subject)

Aug 18, 2006 18:31


To my beloved blockmates:

Queen 
      Naaalala ko naging seatmate kita sa Ma11. Tapos napansin ko, parati ka may burloloy. Tapos tinanong kita kung mahilig ka ba sa mga borloloy. Sabi mo naman, "Oo! Bili ka!". Hindi ko yun nagets. Pero nung napadaan ako sa underpass sa Maynila at nakita ko yung mukha mo sa isang maliit na poster ng Eiko, dun ko lang nagets kung bakit mo akong niyaya bumili ng mga burloloy kagaya ng iyo. Ngayon tuloy, tuwing dumadaan ako sa Eiko, tinuturo kita sa kahit sinong kasama ko. Tapos sasabihin ko, "blockmate ko yan!!".

RJ  
     Seatmate ko sa MIS na palagi giniginaw at walang jacket. Ok lang na pahiramin kita ng jacket ko. Ok lang talaga. Basta pagtiyagaan mo sana ang mga kuwento at mga plano ko tungkol sa kanya. Hehehe. Naaalala ko nung Sci10 class natin at may pinakita si Cuyegkeng na picture ng heart ng nagyoyosi, sabi mo hindi ka na magyoyosi. Ingat ingat sa yosi. Masyado ka mabait para mamatay nang maaga. Naaalala ko rin na nung orsem, katabi kita, at nung kumakanta ng school hymn, tahimik ka lang. Haha. Oo na RJ, ex ko nga si martin. Oo na. OO NA!!!

Mel
     We've been through a lot. We've had our shares of tawanan and even tampuhan. We understand each other so much, most of the time. You're one of the very few people in our block who know me inside out. I value you and our friendship, and I am looking forward to getting a free FRIENDS DVD from you (now where did that come from?!!!!!). I am happy we are good friends. :) Now this is getting too cheesy and you might just laugh at me. Tata.

Kubz 
       Nasan ka na lalaking chickboy at englishero all the way from Baguio? Hindi tayo naging close, pero alam ko talagang marami kang babae. Hehehe. Padalhan mo kami ng strawberries.

Wil
       Akala ko dati masungit ka at hindi tayo magkakasundo. Pero okay naman pala. Dati crush mo si spiderman. Pinicturan ko siya. Ngayon crush mo si tooooooooot. Kinausap at pinicturan ko siya. Anu ba naman yan Wil, wala kang lakas ng loob. Hehe. Alam kong crush na crush mo siya. Sabi ko naman sayo sumama ka sa interview eh!! Meron tayong secret humiliating experience, wag mo na ipost sa LJ mo yun ha dahil super nakakahiya talaga. Ang yabang yabang pa natin para maglakad.

Mac
       Okay kang kausap. Anything goes. Kapag kausap ka, hindi uncomfortable. Sorry at napa obvious yata ke Fish na crush mo siya. Hayaan mo gagawa ako ng paraan para mapaglapit kayo. Hehehe. Hindi man tayo ganun ka close, pero thank you pa rin. Kapag nakikita kitang fresh na fresh at hyper na hyper sa umaga, nakakainspire na kalimutan ang antok at magpakahyper din. Sana maging masaya ka na sa lovelife mo.

Lloyd
        Kabirthday mo kuya ko. Pero ewan kung bakit hindi ko maalalang batiin ka tuwing birthday mo. Anyway, bakit hindi ka na naguupdate ng LJ mo? Parati pa naman akong tumitingin dun noon para sa mga reliable at convincing movie reviews mo. I dunno why, pero everytime i hear the word movie freak, ikaw ang naiisip ko. Kaya magupdate ka na. Hehe. Hindi pa kita nakikita ever na malungkot at stressed. Amazing.

Kei 
       Hindi mo naman mababasa toh eh. Atin atin na lang yun. :) Para sa mga chismosang nagbabasa ng letter ng may letter, im so grateful to be good friends with Kei. She is such a nice and amazing person. She's one of the people who inspire me to be the best that I can be. Plus, she's such a goood goood listener. She gives great advices too. Kei and I have our bangag, tawanan sessions every once in a while. Eh. Tama na.

Jag
       Ang birthday mo eh March 17. Tama ba? Basta naaalala ko na may Stat long test tayo nun. Hehe. I am happy that you have come out of your shell. Nagpakalbo ka na!!!!! When we were freshmen, magkasama tayo bago mag ES diba? Sabay tayo bumibisita ng ating halaman, kasama si Sheena. Naaalala mo ba na yung halaman ko, malupet ang pot pero hindi naman yata tumubo? Hehehe. Binoto kita para maging VP for .NET. Pramis.

Chucks
        Everybody loves Chucks. Ikaw ang first, ever S1 friend ko. Remember, sa orsem chat? Hehehe. Chuckieeee. Magkwento ka tungkol sa lovelife mo at ikkwento ko din sayo ang akin. Apir. Sorry at umalis ako nang maaga nung doc&pub GA. Sorry. Gusto kita makasama sa inuman. Pero hindi na ako umiinom ngayon. Parang, fun ka malasing eh. Hahaha. Anyway, see you sa MISA room. I know you'll be great someday. I know.

Kar
       Alam kong hindi mo mababasa toh. But but whyyyy are you leaving us Why are you leaving him? Paano na ang inyong great love story? Hehe. Papadalhan kita ng maraming boy bawang. Hehehe.  I will forever treasure our CS21A programming moments. And I will forever envy you for being CS-free!!!!!! See you, God bless :).

Ria
       I think I never got the chance to send you the syllabi I promised you. So sorry. Anyway, ikaw yata yung unang nakaalam tungkol ke ano eh. Kasi diba kilala niya yung sister mo. Salamat for keeping it a secret. Hope youre doing well. Naaalala ko yung pagkanta niyo ni Lloyd ng Wag na wag mong sasabihin, nung nasa NSTP jeep tayo. Ingat. Be happy. :) Balik ka dito. Napanaginipan kita once, bumalik ka daw dito sa pilipinas at kaklase ka daw namin uli.

Mike
        I dont know how you do it. Yun lang. I dont know how you do it. Hehe. Si Mike ang unang naging textmate ko sa S1. Inaasar niya ako dahil wala ako sa block picture. Mahilig siya magpatawa sa english block namin. At parati siyang may lovelife kasi parati lovelife-related ang status niya sa YM. Hehe.

Berk
        Youre the only person I know who loves to eat Microwave cheese. Sunod kay Chucks, ikaw and 2nd S1 friend ko. We were first day Orsem seatmates. May sinusulat ka noon eh sa booklet mo, sabi mo stories. Anyway, keep on writing your stories. Do what makes you happy.

Kevin
       You do not look so young anymore! Hindi ka na totoy kagaya ng dati. Hehehe. Goodluck sa lovelife mo. Macy diba? Hehehe. Parati kita nakikita sa Gateway. Gala ka talaga. We survived those Stat group problems. Thank you God.

Terence
       Bakit ka nga uli nagshift? Tsktsk. Masaya ang MIS. Hehe. Etong si Terence hindi nakakalimot eh. Kahit ibang block na yan, naghhi pa rin at namamansin. Naaalala ko, nung mga first few days ko sa college, nakita ko si Terence. Tapos tinawag ko siya. I think he had no clue na blockmate niya ako, cause he was like wondering kung sino ako at bakit ko siya binabati, hahaha, but still he said hello. Hahahaha.

Debbie
       You rock. Hehehe. I dunno how you manage to get good grades and have an active social life at the same time. You are one of the great wonders of the world. Hahahah. Pero mabait, humble, at down to earth ka pa rin. Sino na nga uli yung boylet mo? Kayo na ba? Updates updates. Seriously, you are one of the nicest people in our block.

Monty
       Rocker. I will now forever remember that your birthday falls on August 16. So sorry!!! Hehe. If youre looking for a good conversation, talk to Monty. He makes sense. Really. Oie ngayon ko lang naalala na dati tinatawag kitang seatmate, kasi seatmates tayo sa Orsem GD. Kung kelan naging seatmate na nga kita, dun naman kita hindi tinawag na seatmate. Hahahahahah. Akala ko dati foreigner ka. Hehehhe. Ineenglish kita, tapos nagulat ako, nag tagalog ka!!!

Ginie
         Hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako sa hindi pagattend ng debut mo. Sorry talaga. Kung maibabalik ko lang ang panahon eh magaattend talaga ako. You are the nicest person in our block. I think youre the nicest person ever born. Hehehe. Im sorry for giving you that stupid advice about Edric. Nasad ka tuloy nun! Hehe sorry. I will always, always, associate you with purple. It's like your trademark na. Hehehe. Goodluck to you and EEEEEEEEEE. Hope you still have the cellphone burloloy.

Elsa
        Minsan, iniisip ko kung kailangan ko ba maguilty dahil pinasakay kita sa tricycle. Naaalala ko kasi sobrang uncomfortable ka nun eh. Sorry!!! Alala ko nung first year, kwinento mo yung nangyari sa inyo ni x mo. Ayan tuloy, tuwing nakikita ko x mo, naiinis ako sa kanya. Hahaha. Pag nagpperform yung drumline, hinahanap kita sa TV. Asan ka??

Ralph
        Where the hell are you Merit English guy?! Hope youre ooookay and happy. Si Ralph mabait yan sobra eh. Hi nang Hi nung Orsem. And he remembers names. Goooooooood.

Teddy
         Tshirt ko? Nakita kita sa TV. Wag mo akong kalilimutan pag maging captain ka na. Hehehe. Magingat ka sa Tondo. Parang palagi kasi may nangyayari diyan eh! Hehehe. Goodluck sa lovelife at sa lahaaaaaaaat ng problema mo. Just pray. Sorry hindi na kita masasamahan uminom, dahil hindi na ako umiinom. Yes. Papasa tayo ng accounting! Stat nga napasa natin, accounting pa kaya! (Tama bang icompare?)

Ansel
      Your Tales of Otori Books are still with me. Im so sorry. Hindi ko pa nababasa eh. Hehe. But dont worry coz Im gonna give them back to you. I know you are going through something tough right now, uhm, just pray. Stay nice. Sana masaya ka ngayon sa course mong tadtad ng Math!!!!! Naalala ko shinare mo sa akin ang mga Time Travel theories mo. Headache yun man, headache.

Cel
      Hindi tayo close, hindi nga tayo nagpapansinan minsan eh. That sucks. Promise ko sa sarili ko maghhi na ako sayo ngayon tuwing makakasalubong kita.

David
        Im happy you didnt leave Ateneo. Joke ba yun o totoo talagang aalis ka dapat? Hehe. I know youre a smart guy. Were not really close byt I know youre super nice.

Andrew
        I never got the chance to talk to you. Seriously. You were in Ateneo for a year and a half naman diba? Tama ba? Pero never kita nakausap. Tssss. God bless you!

Sheena
          Sheenataaaaaaaaaan!!!!!!!! I misssssss you!!!!!!!! Hows gox? Bleh :p. Dried mangoes ko? Hehehe. Sana okay ka na and sana masaya ka na. Hehehe. Miss talaga kita. Salamat sa patience mo sa pagturo sa akin ng calculus. :) And thank you for keeping my secretssssss. I trust you so much talaga. Dont worry coz your secrets are safe with me. :)

Pat
        Tribu discount ko. Oke? Hehehhe. Binigyan ba kita ng lighter noong christmas ng 1st year college? Hehehe. Magaling kang beadle. Magaling ka rin magtanong sa class. Aat mabait ka. :) Tribu discount. oke? Hehehe.

James
        James, namimiss ko ang ating pagcommute nang sabay sa recto. hehehe. May utang ka pa sa akin na libre sa Cravings dahil nag DL ka. Be happy. At sana tumangkad ka pa. Balik ka na sa Regcom. Pahingi ng aso.

Whew. Ang haba pala nito. All these just to let you know that i looooove you guys so much. Hindi ko man nasasabi, hindi ko man napapakita, pero mahal ko talaga ang S1. Sorry hindi ako nakakasama sa mga lakad/gathering natin. Sorry talaga. Pag marunong na ako magdrive, sige promise parati na akong present sa mga labas natin. I just wanna let you know that I appreciate each and everyone of you, and that I treasure every moment we spend together. I love you guys. This is tooo cheesy. But I mean it from the bottom of my heart.

Previous post Next post
Up