Jun 11, 2008 10:48
hm. mahirap simulan ulit ang isang bagay na matagal-tagal mo na rin hindi ginagawa. parang nakakapanibago ulit, na hindi sanay ang katawan mo sa gawain. haha. hindi pala lahat ng bagay sa mundo ay parang bisikleta. mahirap balikan, di tulad ng bisikleta. mas madalas ang semplang.
bakit ko nga ba iyon nakalimutan?
♥
isa't kalahating buwan na rin akong nakabalik sa maynila. maraming nag-iba. maraming parang nag-iba. marami ring gustong mag-iba. nakakalito isipin kung alin ang mga talagang nagbago at alin ang binago lang ng pananaw ko.
♥
nagbago ang kwarto ko. sigurado ako doon, kasi kahit yung pintura sa dingding nagbago.
nagkaroon ako ng trabaho. kailangan nang magsikap.
tumaba na daw ako. nagkaron pa daw ng biceps. malamang niloloko ko lang ang sarili ko dito.
naging responsable ako. himala!
natutong maglaba. at magluto. at maglinis ng kwarto. at gumising ng maaga.
naging tunay na "city" talaga para sa akin ang antipolo. may jollibee! mcdo! KFC! shopwise! fountain sa park!
nagbago ang friendster ko.
♥
minsan iniisip kong magbisikleta nang malayong-malayo, yung sobrang layo na hindi ko na alam kung nasaan na ako. parang roadtrip, pero bike ang gamit. tapos kapag malayo na ako, titingin ako sa likod at tatamarin nang bumalik sa pinanggalingan kasi sobrang pagod na ako. pero gusto ko, kapag tumigil na ako, titigil ako sa mataas na lugar para pwede ko makita ang sunset. para ok lang na doon ako umupo at magpahinga, magtanggal ng pagod, at magpalakas. kasi maganda na doon, lalo na kung may punong pwedeng sandalan at silungan.