long overdue

Jan 29, 2007 23:04

dapat kasabay ito ng "happy birthday blog" pero ngayon lang ako nagkaron ng procrastinating time para makapagsulat ng maayos. great, sana naman natuto na akong maging productive by now pero tumatakas pa rin ako para mag-blog imbes na magsulat.

kinausap ako kamakailan lang ni matts tungkol sa blogging habits ko, at nagulat siya nang sinabi ko kung gaano na ako katagal na may blog (5years- 3 dito, at 2 sa blogspot). hindi niya daw maisip kung paano ko napapanatili ang munting espasyo ko sa web. matiyaga na raw ako na nagpupumilit makapagsulat ng isang entry kada linggo dahil siya mismo ay madalang na lang magpost sa kanyang blog. ilang beses na daw siyang tumigil magblog at mag-umpisa ulit dahil kulang sa maintenance.

marami-rami na rin sa mga kaibigan kong may blog ang unti-unting napapatigil na sa pagsusulat. may ilan na mukhang nakaligtaan lang (ng pitong buwan!), o kaya naman ay naiirita na sa buhay, nawawalan daw ng inspiration at drive, o paminsan ay tinatamad na lang. minsan nakakalungkot na lang makita na yung dati kong binabasang mga blog ay wala nang updates, na paulit-ulit na lang ang nababasa kong entry. sa isang banda parang napuputulan na rin ako ng koneksyon sa kanila, dahil na rin siguro sa hindi ko madalas na makasama sila.

pero kung sila nawawala, bakit ako nandito pa rin?

dahil mahilig akong magsulat.
dahil tinatamad akong magsulat sa notebook.
dahil gusto kong may nakakakita ng mga sinusulat ko.
dahil gusto kong may nakikinig sa akin.
dahil mas madali mag-type sa keyboard.
dahil gusto kong may mailagay sa "my website" sa friendster.
dahil masarap magsulat.
dahil may nakita akong blog dati na sobrang gusto ko at pinilit kong gayahin.
dahil hindi laging tama ang grammar ko.
dahil dati taglish ako magsulat.
dahil nawala yung luma kong journal notebook.
dahil kakaiba pa ito noon.
dahil minsan ayaw kong gumawa ng paper.
dahil pwede akong magsulat ng kahit ano tapos bahala na kayong intindihin kung ano ang ibig sabihin nun.
dahil kaya ko.
Previous post Next post
Up