rating: pg - 15
pairing: d.o./kai
length: one shot
word count: ~2k w
8 :39 pm
Minsan kasi parang gago 'tong si kuya Joon, eh. Diba iinom siya, eh di hinahayaan ko na lang. Ang kaso, napakalakas umabuso sa alkohol, tangina, ginagawang tubig. Gabi naman ah, hindi na mainit, ayan electric fan; number three, may tubig naman sa bahay. Pero hindi, inom kung inom ang gago.
Hindi pa masabihan ang tarantado. Siyempre, susubukan kong awatin yan. Sasabihin ko, "Kuya, nakakailang balde ka na ng Tanduay. Hinga hinga rin!"
"Pwede ba, Kungfu. Doon ka muna. Ang laki-laki ng mata mo, nalulula ako."
Nga pala, hindi Kungfu pangalan ko. Kyungsoo. Do Kyungsoo. Pero pag nalalangsing si kuya, bumabaluktot yung dila na parang hindi mo maintindihan. Baluktotin ko kaya etits nito.
Sure, sige. Ako na malaki ang mata. Ako na yung mata na may lalaki na nakakabit. Aminado ako malaki mata ko, pero the girls like it. And I like them, so no problemo mata ko.
Minsan, hindi ko din naman masisi si kuya Joon. Mahirap mabuhay ngayon kapag wala kang gimik, walang pera. And masaklap, medyo hindi nakaka-proud yung gimik naming ni kuya Joon. Ang totoo nyan, nagbebenta kami.
Hindi pirated CDs, hindi secondhand na cellphone. As in marijuana. Ang mahiwagang berde, ladies and gents. Magbuhat noong nawalan na ng trabaho si mama, natigil pag-aaral ko. Si kuya Joon naman, naglayas-- eh basta, magulo. Ang punto ng lahat, nakatira ngayon sa amin si kuya Joon, tapos magkakasama kami doon nila mama, yung kapatid kong mas bata, si Patrice (kinse anyos, buntis) tsaka yung boyfriend niya, si Tao. Sitaw tawag ko doon minsan, kasi kasing payat siya ng Sitaw, tsaka ayaw ko ng sitaw.
Diba and saya? Parang deconstructed, fucked up version of the Brady Bunch lang. Malaki yung bahay namin, hindi naman kami siksikan, kaso nakasangla na kasi nga wala nang pera. Si Sitaw, tumutulong naman sa kuryente, si Patrice walang ginawa kung hindi manood ng TV pero nagwawalis naman siya minsan kapag hindi nadadaanan ng sumpong, tapos kami ni kuya Joon nagbebenta ng marijuana.
Mayroon kaming top 3 locations na pinagbebentahan. Sa tatlong lokasyon kasi na 'yun, hindi mahigpit, o kaya protektatdo kami, o kaya naman kilala na kami doon. Kaya madali na lang magbenta. Bihira lang kami magbenta na hiwalay ni kuya Joon. Bago bago lang kasi ako sa pagbebenta. Sinimulan ko lang pagkatapos kong tumigil sa pagaaral. Siguro mga ilang months lang nakalipas mula noon. Hindi ko na mabilang.
Feeling ko nga nagbago talaga ako nung nagsimula ako magbenta pero hindi ko na lang sinasabi yun kay kuya Joon kasi alam ko na kahit gago siya, nakokonsensya pa rin siya sa ginawa niya. Hindi yung paglayas, pero yung pagsama sakin sa kagaguhan niya. Malaki respeto niya sa nanay ko, ayaw na ayaw niya na nagsisinungaling. Kaya maglasing na lang.
"Kungfu, ba't di ka na umiinom?" Tanong sa akin ni kuya Joon.
Nakatulala na lang kasi ako. "Ayoko na kuya. Sakit na ng ulo ko."
"Hina mo."
"Gago, malakas ka lang uminom."
"Bakit ba ang init-init ng ulo ma sa 'kin ngayon?"
Lagi mainit ulo ko sa'yo kapag ganyan ka. Ang baho ng hininga mo. "Gusto ko na umuwi."
"Mauna ka na sa 'kin."
"Ha?" Parang sira talaga 'toh. "Sabay na tayo!"
"Hindi pa nga ako tapos. Hindi ka na rin naman umiinom, umiinit lang upuan mo eh. Uwi ka na."
"Dito ka na matulog," biglang bigkas ni kuya Kai pagkalabas nya sa screen door ng bahay, may dala-dalang Boy Bawang na nakakalat sa plato. "Dali, Kyungsoo, dun ka sa kwarto ko. On mo yung aircon."
"Hindi naman ako makakatulog dito…"
"Arte nito," may kasama pang ngisi yung pagsabi ng lasing.
"Nangingilala katawan ko, hindi ako makakatulog sa kama ng iba."
"Malinis naman kama ko." Umupa si kuya Kai sa harapan ko, sabay dukot ng Boy Bawang sa kamay niya.
"Malinis man o ano, hindi ako sanay matulog sa ibang bahay kuya, pasensya na."
"Tsk, halika." Tumayo siya ulit habang pinapagpag yung kamay niya sa jersey shorts nyang mukang sa bewang na lang niya nakakapit. "Pakita ko sayo."
Hindi nga ako tumayo. "Huwag na, kuya Kai. Okay na ko."
"Dali na." Hinila niya ko pataas. Hindi ko dati nahalata na ang lakas pala ng payatot na 'toh, laki pa ng kamay. Malamang kaya niyang kumapit ng basketball ng isang kamay lang.
Malaki bahay ni kuya, puro gamit lang kaya mukang maliit. Nagiisa siyang anak tapos madalas niyang kasama sa bahay mama niya lang. Hindi kami ganoon ka-close, pero matagal na daw sila magkakilala ni kuya Joon… nakalimutan ko na kung paano o bakit. Sa mga kwento ni kuya Joon, alam ko mayaman si kuya Kai, medyo tahimik, pero mabait. Dapat noong una, dito siya kina kuya Kai tutuloy kasi madalas wala naman magulang nila, pero nag-insist mama ko na doon na lang siya sa 'min kasi hindi niya masyadong gusto kung paano pinalaki si kuya Kai. Kasi nga daw walang guidance, walang tagabantay, mahirap daw yung ganoon sabi ng mama ko.
Tinulak ni kuya Kai yung pintuan nang pabukas gamit pwet niya, tapos binuksan yung ilaw. "Oh ha? Ganda noh. Pasok ka."
Ang bango ng kwarto niya. Amoy bahay, tapos puro puti, malinis nga. Binuksan niya na rin yung aircon.
"Ganito," sabi ni kuya Kai. "Yan yung aparador ko. Hiram ka na lang damit. Yung isang pintuan ng aparador ko-- halika pakita ko sa'yo."
Sama naman ako. Ngayon ko lang kasi narinig na nagsalita ng todo si kuya Kai. Madalas pag nagiinuman sila, tahimik lang siya, o kaya naman tumatawa lang.
Pagkabukas niya ng kanang pintuan ng aparador niya, putek muntikan na ko madapa, kasi imbis na damit, tangina, entrance sa banyo!
"Ayos noh?" Sabi niya. "Parang Narnia lang."
"CR ba yung Narnia?" Patawa kong tinanong. Tawa din naman siya.
"Basta CR mo yan. Tapos… kung gusto mong hinaan yung aircon, pihitin mo lang yung nasa gitna, ayan oh. Parang electric fan lang."
Umo-oo na lang ako. Parang naman akong mang mang nito.
"Sige, baba na ko."
"Sige kuya, salamat."
"Oo, sige lang."
--
Ang tahimik sa loob ng kwarto niya.
Siyempre, hindi ako makatulog. Alam ko naman na hindi talaga ako makakatulog dito, pero malamig naman tsaka mabango kaya hayaan na. Tumayo ako sa kama, suot suot paren yung kanina kong damit. Nahihiya ako gumamit ng gamit niya, parang feeling ko madudumihan ko.
Pero sa kadahilanan na medyo may pagka pakialamero ako, may nahanap akong shoe box sa ilalim ng kama niya. May mga pictures na iba't ibang klase, kinunan sa iba't ibang lugar. Si kuya Kai tsaka mga tao yung nasa picture, tapos meroon din isa na nasa may parang mataas na lugar siya, tapos may snow. Nakakainggit.
--
Maya-mayang onti, may naririnig na akong paakyat ng hagdanan. Bago ko pa maitago yung pictures sa shoe box, pumasok na kaagad si kuya Kai, halos buhat-buhat si kuya Joon na parang batang tulog na nakakapit sa kanya.
"Wala na…" hirap na sinabi ni kuya Kai. "Basag na 'toh. Tulungan mo naman ako na ibaba 'toh sa kama."
"'Wag na. Hagis mo na lang yan." Tawa kami.
"Dali na, Kyungsoo!"
--
Tinulungan ko magligpit ng bote ng beer tsaka baso si kuya Kai sa baba kasi tulog na daw si manang. Habang ako, sobrang naka-concentrate sa pagpulot ng bote-- seryoso, ang dami nila nainom--biglang sabi ni kuya Kai, "Medyo pakialamero ka, noh?"
Muntikan ko na mahulog yung isang bote ng lapad nun. "Ha?"
Nakangiti naman siya habang inaayos niya yung upuan. "Tagong-tago kaya yung shoe box ko na 'yun."
"Hindi kaya," basta pag kinakabahan ako, natural na sa 'kin na idaan na lang sa biro. "Nakausli nga yung puwet sa may bukana."
"Sinungaling." Tawa siya.
"Ang dami mo na pala napuntahan."
"Sakto lang," sabay punas siya ng pawis sa anit niya. "Yung business kasi nila mama naka-base sa Hong Kong. Tapos si dad nasa Dubai. Eh, madalas, yung dad ko yung pinapapunta sa ibang bansa para makipagmeet sa kung sinu-sino. Kaya 'yun."
"Sama ka naman."
"Kung libre, bakit hindi?" Sabi niya na may ngiti.
"Yung parents mo…"
"Magkahiwalay sila. Dati pa, bata pa ko. Ikaw?"
"Hindi sila hiwalay pero wala na papa ko, bata pa lang ako."
"Ah, sorry."
Hindi ko alam kung ano yung tamang response doon kaya madalas tumatahimik na lang ako.
"Uy, may apelido pa!" Sabi ni kuya Kai sabay inaabot sa akin yung bote ng beer na may natira pang onting alak.
"Ayoko nyan."
"Arte mo," sabi niya. Ininom niya rin naman.
--
Napasarap kwentuhan naming ni kuya Kai kaya hindi ko na namalayan yung oras. Hindi ko nga alam kung paano ba ako nagising bigla. Kani-kanina lang grabe antok ko. Pero nadidilat ko talaga mata ko kasi parang kailangan ko pakinggan si kuya Kai, eh. Importante 'tong sinasabi niya sa 'kin.
"Alam mo ba," sabi niya, "Nung bata ako nanghuhuli ako ng tutube habang tulog ako?"
"Ha? Parang sleep walking? Ganoon?"
"Oo."
"Paano mo nakikita yung tutube kung tulog ka?"
"Hindi, walang tutube. Sa panaginip ko lang, ang dami. Pero wala talaga. Ang gagawin ko, kukuha ako ng stik, tapos lalagyan ko ng Colgate yung dulo, tapos lalabas ako para manghuli ng tutube."
Habang ako tumatawa na ng grabe kasi tangina yung itsura niya, tuloy pa niyang sinabi, "Hindi, Kyungsoo, seryoso. Sinasabi ko sa'yo. Tumatalon pa 'ko."
"Mukha kang tanga."
"'Yan din sabi ng crush ko 'nun. Nahuli niya ko isang gabi. Magkapitbahay lang kasi kami noon."
"Ah…" Biglang nangati yung ulo ko. "Pinagtawanan ka niya?"
"Oo."
"Pahiya ka tuloy."
"Siya napahiya, hinalikan ko lang siya tahimik na siya."
Natahimik din naman ako. Parang sira lang.
"Ikaw, naranasan mo na?"
"Ha?"
"Alam mo na…" Nagkunwari siya na may hinahalikan siya, sabay ngiti.
"Ako? Siyempre naman. Tanda ko na eh."
"Talaga lang ha."
"Oo. Galing ko nga eh. Walang ngipin." Tumawa na lang ako kasi natawa rin naman siya, pero kinakabahan na talaga ako, hindi ko lang alam kung bakit.
"Tinanggal mo pustiso mo?"
"Oo." Tawa ulit kami.
Tapos… siguro kasi lasing siya. O nakainom siya. Kasi ganito, nakahawak na talaga siya sa batok ko, minamasamasahe niya, ganoon. Hindi naman ako umalma kasi siyempre gusto ko close kami. Tsaka ano naman sasabihin ko? Pare, wag naman, may kiliti ako sa batok?
Kaya hinayaan ko lang nung una, tapos ang huli kong naaalala, iniisip ko parin yung itsura niya na nanghuhuli ng tutube habang tulog, tapos yun na. Hinalikan niya ko.
Siya talaga nagsimula… pero… sa bagay… halikan na rin naman pinaguusapan naming bago mangyari 'to. Pero ganito rin naman kami ni kuya Joon, ni minsan hindi ko pinangarap labi niya. Wala na rin akong magawa, nandito na ko, hindi rin naman ako makagalaw… tsaka ang kapal ng labi niya…
Hindi naman yung kapal na nakakalunod. Tamang kapal lang… lasang alak lang. Tsaka sigarilyo.
Nang matapos niya akong halikan, hindi pa rin ako makagalaw. Kahit alam ko na nakatingin na lang siya sa 'kin, kahit alam ko na medyo na natatawa na siya sa mukha ko. Sana man lang sinabihan niya ko na balak siya na ilaglag puso ko sa tabi ng bituka ko para kahit papaano, nakapaghanda ako. Ang sarap niyang suntukin sa totoo lang. Ang sarap niyang murahin.
Pagkadilat ko, hindi naman siya tumatawa pero nakatitig siya sa 'kin habang dahan-dahang ngumingiti.
Nagbuntod hininga ang gago, sabay bigkas, "Sinungaling ka talaga."
Ang naramdaman ko nun, parang akong isa sa mga tutubeng hinuhuli niya sa panaginip niya, pero imbis na Colgate, labi at alak gamit niya.
"May trabaho ka ba bukas?" Bigla niya ako tinanong na parang walang nangyari. Akala niya siya lang marunong magkunwari?
"Mayroon. Bakit?"
"Wala lang."
"Ah…"
"Hindi, ano kasi. Pag nauwi na natin si Joon, baka gusto mong kumain."
"Libre mo?" Ang hirap na lagging kinakabahan, parang kang nakatungtong sa pinakamataas na gusali, naghihintay lang kung itutulak ka ba o ano.
"Sige, mayaman naman ako eh."
"Yabang nito."
"Gusto mo ng libre o ayaw mo?"
"Gusto po."
Nagkwento pa siya pagkatapos nun eh, tapos biglang nagising si kuya Joon. Akala ko maingay kami, ayun pala umaga na. Nung umaga na yun, kahit ilang beses niya akong tawaging Kungfu, natatawa na lang ako. Nung nasa bahay na kami, tapos nahalata ni kuya Joon na hindi ako umaalma sa kagaguhan niya, tinanong niya ako kung bakit parang naka-stapler yung ngiti ko sa mukha ko.
Sabi ko na lang, "Wala, hindi ko lang akalain na may mapapala ako sa pagiinom mo."
*masterficlist |
tumblr |
twitter |
comment here to be added -- Tagalog fic. This is my first time writing in tagalog. Unbeta'd. I'm sorry.