As in seryoso nakong i-reclaim ang aking nawalang social life. Well, nakakaburat na kasi magpa-level sa GE dahil sobrang bagal ng EXP at wala pang load para makabili ako ng EXP booster. Kaya habang wala pa, potah kakaririn ko na ang pag-lalakwatsa!
Pero parang wala akong maisip na masayang gawin. Eto na lang:
Sa lahat ng may camera (kahit manual pa yan o nasa cellphone lang), kita-kits tayo at mag-peekchur peekchur one weekend. Pag-usapan natin kung anong weekend at kung saan ang venue.
Inaamag na kasi ang
DeviantART page ko at nami-miss ko na kayo at ang pagpi-peekchur. Pramis.
Dali, sama na kayo bago pa ako tamarin.