cleaning up my closet

May 27, 2007 20:36


Sinipag ako kanina na ayusin ang isang parte ng bookshelf ko dahil nagsisiksikan na at mukha nang tae ang cabinet ko sa dami ng mga tinatambak kong libro.

Well, sinikap kong ayusin sya. Pero sa sobrang dami talaga ng libro, in the end, pinagsa-saksak ko na lang yung mga hindi magkasya. Feeling ko after a few months kailangan ko na naman syang ayusin dahil pihadong dadami rin naman yun.




Ayan, diba mukhang magulo pa rin? Pinilit kong ayusin sya by height, pero nagmukha pa ring ewan. Ilang beses ko rin sya ni-rearrange kasi gusto ko nasa ilalim yung mga librong rarely ko na nababasa.




Ngayon ko lang na-realize na sobrang daming romance novels na pala ang naipon ko. Hindi lang naman ako ang gumastos para bilhin lahat ng mga yan, pati ate ko may kasalanan din. XD At marami pang ganyang mga libro sa cabinet nya. Mas mukha lang maayos yung kanya kasi lahat ng libro tinambak nya sakin.

At syempre, pinag sunud-sunod ko lahat ng Eddings na libro na meron ako. Tinatamad nakong pagsama-samahin yung ibang authors dahil for sure hindi ako matatapos ng madali. Hehehe.





Syempre hindi lang yun ang mga libro ko. Tinamad na rin akong ayusin yung ibang section ng cabinet ko kung saan nakatambak ang ilan pang libro at notebook (na kinahihiligan ko rin kolektahin). Meron pang mga anik-anik dyan na hindi ko kayang itapon for sheer sentimental value. Hindi ko maintindihan kung bakit over the years na nangongolekta ako ng stuff eh lalong pumapanget ang itsura ng laman ng mga cabinet ko. It's either kulang ako sa space or sadyang burara lang ako. XDDDD

Sa totoo lang, gusto ko ng isang kwarto (kahit maliit lang) na lalagyanan ng lahat ng mga libro namin. Kung ako lang ang nasunod noon, kahit yung mga textbooks ko nung grade school itatago ko rin. As in ganun ako ka-sugapa sa mga libro. Pwedeng hindi nako bumili ng kung anu-anong kakikayan sa balat, wag lang mawala sa budget ko ang pambili ng libro. Mamamatay ako pag nagkataon.

At ako naman si gaga, dami-dami ng binibiling libro, natatambak tuloy yung mga books na hindi ko pa nababasa. Bwehehehe.

books, my room, privacy

Previous post Next post
Up