long time no post ah.. hehehehe... as always, sabaw pa rin ang utak.. natapos na sa wakas ang raket sa isang environmental ngo, naka-uwi ulit si Irog at medyo meet the family ang drama namin this time :P, nairaos rin sa wakas ang biatch 98 reunion (na may photo-finizzz na ticket design), nang-gulo kami ni Goño sa nakalipas na Wedding Summit (at sinamantala ang free demo make-up!! wahahahha), at kahapon ay ang unang taong anibersaryo namin ni Irog.. hahahhaha, balik long distance nga lang.. pero ayus na yun, kaysa naman walang communication...
oh di'ba ang macho!! hehehe.. Pho Hoa Greenhills, habang hinihintay ang foodang.. photo op muna_060108
(ito rin ang huling labas namin, kasi lipad na niya kinabukasan)
never pa naman natapat sha 11th ang mga uwi niya dito, kaya never pa kmi nagdiwang ng monthsary na magkasama.. kamusta naman? ayus lang, at least nakakauwi siya ^_^ heheheh, at finally nakilala na siya ng iba kong friends at na-meet in person.. achievement yun, at least ngaun hindi na'ko mapagbibintangang may imaginary boyfriend (although, wala pa namang nagparatang sa'kin nun).. BELATED HAPPY FIRST ANNIVERSARY IROG ^_^ ang bilis ng panahon, paganun-ganun lang..
at ano ang napala namin sa greenhills? bukod sa kumain, at napagod sa kakahanap ng minimithi niyang nike na beltbag dahil mailap ito.. eto, na-love at first sight ako dito.. pakiramdam ko isa akong bata na nagpapabili ng lollipop.. sabi ko lang naman "gusto ko nun oh..." sabay turo sa pamamagitan ng nguso..
prada-pradahan.. i love it!! :D from P1,500 naging P800
ayoko na tuloy pumunta ng greenhills na hindi siya kasama, hehehehe.. mas magaling siya tumawad sa'kin eh... :P ang dami kong nakitang nice things dun, kaso gahol kami sa oras.. eto, ang belated happy birthday gift niya.. heheheh... mabigat ang handle, pero keri lang.. ganda yung material niya!!
***
gusto ko nang mag 2010, antagal pa.. bakit? para matapos na ang term ni Gloria, at tigilan na niya ang pag-jumble sa mga holidays... hindi nakakatuwa... at para mawala na rin si BF sa MMDA.. ang mga pesteng u-turns na yan ay magastos sa gasolina... ang babaw ng concerns ko noh.. hahahha, marami pang iba, pero para problemahin ko, tulad ng bulok na sistema, sayang lang ang brain cells.. ano nga ba ang dapat gawin? wala na sigurong mabuting sulusyon kundi ang simulan ang pagbabago sa sarili, at ituro ang kagandahang asal sa mga bata.. huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!