kinetic at thermodynamic product...

Sep 24, 2008 15:05

There's something wrong with this account kanina. Hindi ako makapagpost. Or dahil lang yun sa internet connection? Ewan ko, Basta mahalaga makakapagpost na ko.

Anyway, tungkol na naman siya sa orgchem exam namin nung Saturday. Nalaman ko lang naman na may mali na naman akong sagot sa problem solving, hindi ko na nga nasagutan yung last question. Hay, ewan ko ba. As much as I want to forget it, hindi ko pa rin magawa. I'm afraid to fail in this exam. Ayoko.

Heto, may isang bagay na gusto kong linawin. Masaya ko kasi ever since pumasok ako sa UPM, hindi pa ko bumabagsak sa isang major exam. Of course, I want to keep the record. Pero alam kong mahirap. Kaya if ever na bumagsak ako, inilalaan ko na yun sa physical chem kasi alam kong napakahirap non. But not to orgchem. Para sakin, mas madali ang 31 kaysa sa 18. And I finished 18 without failing sa apat na departmental exams.

Ayun. Isa pang nakakainis sakin, nagiging tamad na kong mag-aral. Nakakainis! Kung hindi ako nagcram sa orgchem at sa physics nitong last exams, alam kong makakuha ko ng mas maayos na grade. Pero hindi. Nagcram ako. And so, angbaba ko sa last exam namin sa physics. Kung ioover 45 siya ni sir, I'd get 56% (which is passing, but is the lowest grade I got in a major exam, so far). Wah, angsakit.

Hay naku. Nakakainis. Bat ba kasi ganito ko?
Previous post Next post
Up