Jun 20, 2006 21:06
june 21 bukas, anniverasary nina annie at shok-shok... grabe! nakatagal sila ng isang taon na away-bati yung nangyayari sa kanila at higit sa lahat, nakatagal yung kapatid ko na makisama sa isang shokoy, haha! =D pero di naman ako sumulat dito para laitin yung magiging nayaw ko, eh. naisip ko lang kasi, ilang buwan na lang din, kami naman ng mister ko yung magse-celebrate ng anniversary namin. hay... di rin ako makapaniwala na nakaya ng mister ko na matagalan yung mga kabaliwan ko. ilang beses na rin kami na muntik ng maghiwalay dahil sa kakaisip ko. sana tumagal pa kami ng higit sa isang taon, sana habambuhay na kami magsama. sana di na kami magkahiwalay kahit kailan. sana kahit na anong dumating na problema sa amin, hindi maging solusyon yung paghihiwalay namin. siya na talaga kasi yung gusto kong makasama habambuhay. sabi nga niya, isa lang naman yung pwede kong ipangako sa kanya, yun ay yung ako yung hihintayin niya at sasalubungin sa may altar... ang sweet 'no? yan ang mister ko! siya na yung pinaka-sweet, pinakamalambing at pinakamabait na mister sa balat ng lupa, at wala na akong ibang mamahalin kundi siya lang...