(no subject)

May 03, 2007 22:11

medyo napatagal ang pagbabasa ko ng archives, e ang hinahanap ko lang naman dapat kung may post ako tungkol dun sa commute thing nung 4th year.. tapos umabot pa ako dun sa nung birthday ni kuya gio last year at yung mga drama drama ko sa kanya.. wah. grabe. turning point talaga yung 4th year.

soooo..... yung kwento.

from kinder kasi hanggang 3rd year high school, lagi na akong nags-school bus.. minsan lang yung nat-treat ako at hinahatid or sinusundo galing sa school..yun yung pag na-late ako ng gising or kailangan ko masmaaga makadating tsaka pag may mga late na practice.. e si kuya gio nung high school, nung pag lipat niyang la salle antipolo, de-hatid siya.. so naging deal na pagka-graduate ni kuya gio, ako naman ang hatid-sundo galing school.. e di 4th year na nga, tapos hatid-sundo na.. mga ilang days pa lang, nagsabi bigla si momi na costly? ano yung term? basta. yung issue dahil dun sa gas and shit pag hinahatid at sinusundo ako everyday.. tapos e di kinonsider ko na mag-school bus ulet pag pauwi.. e kinalabasan same price lang yung mag-school bus ako pag pauwi lang at yung price kung papunta at pauwi.. e di parang ayoko dahil wala namang natulong yun dun sa problema.. nung mga gabi nito, sa isang kwarto lang kami lahat natutulog: ako, momi, dad, kuya mik, kuya gio.. tas ewan ko, basta nag-usap kami ni kuya gio nun.. tapos sinabi ko nga sa kanya yung issue na sinabi ni momi tsaka yung tungkol dun sa school bus.. tapos sabi niya commute na lang daw ako pauwi.. sabi ko na-consider ko na rin yun pero ayaw naman ni momi na mag-commute ako.. tapos biglang sagot niya: "ok lang yun, ako bahala sayo"..

tapos ayon. simula nun, mga 1 or 2 months, everyday, sinusundo niya ako sa school tapos commute kami sabay pauwi.. meron pa isang beses nun, sobrang lakas ng ulan.. after yun ng college blah sa school.. tapos meh bagyo ata nun o ano? tapos tumawag ako sa bahay, kung pwede magpasundo na lang.. tapos si kuya gio ata tinext ko na rin nun.. biglang, surprise! dumating si kuya gio, sobrang basa.. as in. naaalala pa ni princess yun e, kami-kami kasi magkakasama nun.. basta. sobrang..nung nakita ko siya, napamura na lang ako.. tapos nung sinasabihan ko siya na dapat sana di na nga niya ako sinundo, sabi niya ok lang daw.. wah. yung guard nun dati, kilala na si kuya gio.. yung pag bababa ako tas titignan kung nandun na siya, si manong biglang magsasalita dun, "wala pa kuya mo".. haha.. hai nako, kuya gio...

i shall see you again tomorrow..

kuya gio

Previous post Next post
Up