Apr 30, 2007 20:26
nung last na sunday na nagsimba kami, umiiyak si kuya gio.. sa mary the queen yun.. e ang gawain nila ni dad, after mass, bumibili sila ng mani dun sa labas.. yung as in peanut na pinapakain sa elepante pag sa cartoons tsaka yung binato ni spongebob dun sa oyster sa isang episode ng spongebob squarepants.. anyway... e di ayon nga. umiiyak si kuya gio nung before matapos yung mass.. tapos nung palabas na kami, si momi kasabay ko; nauna na sila kuya gio samen nun.. tapos bibili dapat ako ng mani para kay kuya gio dahil umiyak nga siya.. for some reason, hindi ko na tinuloy yung pagbili ko..
e di ayon na nga. kahapon nauna sila lola pumunta sa simbahan.. mary the queen ulet.. hinatid namin sila ni dad.. nung paglabas namin, nakakita ako ng nagbebenta ng mani.. e di automatic syempre, naalala ko si kuya gio..na bibilhan ko dapat siya ng mani nun.. hanggang napalalim ng napalalim yung pag-isip ko.. bago kami umabot sa bahay, naluluha-luha na ako.. tapos diretso ako sa kwarto nila kuya mik.. *sad face* sabay higa sa kama nila..tas ayon. tuluyan na kong naiyak. at dahil saan? *sabay-sabay* dahil sa mani.
grabe talaga. isipin mo pagkain na naman ang iniyakan ko? siguro pag naabutan akong umiiyak ng iba nun tapos malaman na umiiyak ako dahil sa mani, sabihin nila, "pucha, patay gutom?".. nge. wala lang.
bumili na nga pala talaga si momi ng crumpy nung isang araw.. bigla na lang akong inabutan ng tinapay nung isang umaga bago ako umalis ng bahay.. tinanong ko kung anong palaman.. tapos nung pagsagot niya na crumpy yung palaman, medyo nag-alangan pa ako sa pagkuha.. baka mamaya sa school pa ako magkalat.. imaginin niyo habang kumakain ako, bigla niyo na lang makikitang lumuluha na ko? haha! ayos. pero kinuha ko naman yung tinapay at hindi naman ako naiyak habang kumakain.. haha.. buti na lang!
iyakan list: crumpy, mani. langyang mga pagkain yan!
kuya gio