Apr 19, 2007 21:38
namiss ko bigla si kuya gio.. haiii.. nung nakaupo ako sa mrt kanina nung pauwi ako galing sa int meeting, bigla lang akong napaisip.. sa mga nangyayari ngayon, siya dapat kausap ko.. kanina ko lang na-realize yun.. na siya pala kinakausap ko talaga pag dating sa mga ganitong bagay..yung mga nangyayari nga ngayon.. shit. at akala ko dati halos wala kaming pinag-uusapan talaga.. siya nga pala yung madaling nakakaalala ng mga tao na nakkwento ko sa kanya at kung ano man nangyari saken at sa taong yun at kung ano nararamdaman ko.. i miss you.
naisip ko rin..kung everytime mapapatigil ako at siya ang maiisip ko, sana never na lang ako mapapatigil at mapapaisip.. ang hirap e.
kanina nung nagcocomputer din ako, bigla kong narinig sumara yung gate sa labas.. dito kasi sa kwarto nila, rinig mo agad yun pag meh lumalabas o pumapasok.. e dati pag ganun, alam ko na pag siya yun.. napatigil na naman ako at narealize na hindi, hindi na siya dadating..hindi siya yung pumasok at nagsara ng gate..
kuya gio