yay! astig. ngayon lang ako nakapag-update ulit ng aking blog. recap ng mga nangyari sa aking bago natapos ang taon..
12/28
sinamahan ako ni sketch na bumili ng panregalo para kay
eric sa greenhills.. tapos pumunta din kami sa trinoma upang maglaro ng V3 dun sa bagong timezone arena. namili na rin kami sa hypermarket ng lulutuin namin para sa party. at may nakita rin kaming kakaiba:
tofu yan. baka kung anong nasa isip niyo. haha XD
12/29
pumunta ako sa yearender party ng PPF at sobrang saya! first time kong makapunta ng maaga kaya't naka-dalawang cycle ako sa DTX. nagluto din ako ng seafood carbonara na nagustuhan din nila. :D nakasama akong maghost sa kasiyahan kasama si jake. ayun, sobrang tawanan galore.. sumaglit ako sa antarctica at tuluyan din pumunta sa opisina.
12/30
hindi natuloy ang sinasabi nilang black-out sa building namin kaya't tuloy ako sa pagtrabaho at sobrang antok ko.. haay. pagkauwi sa bahay, sabay tulog, hindi na ako kumain ng tanghalian. nagising ako bandang 6pm na dahil ang mga tita ko ay dumating na. ayun. nag-inuman din sila ng red wine at nag-videoke.
13/31
bagama't may pasok ako, nag-undertime na lang ako upang makapamili pa ng mga paputok sa cubao. nakauwi naman ako ng matiwasay at nagbagong taon sa bahay.. :D bago ang lahat, nailibre ako ni
ate eden ng:
worth 250php ang dalawang scoop lang ng ice cream nila. aw. at pag naubos, eto nangyari sa 250php mo..
kahit papaano, nakatikim na rin ako ng haagen-dazs :P
siya, hanggang sa muli ^__^