kong makapunta at makapasok sa isang comedy gay bar.
nag-aya kasi si shane kahapon na magpunta sa metro bar sa timog. sinama na rin namin si ami. pagdating namin dun, napagkamalan kami ni ami na mga foreigner. hehe XD ang kulit.
global fun carnival
nung sunday naman, nag-aya sila
ate eden na magpunta sa global fun carnival sa tabi ng MOA. napaaga ako ng punta dun kaya naglibot-libot ako dun. naglaro ng guitarfreaks v3 at dance maniax sa may qps. nagpasya din akong pumunta sa timezone arena. at napag-alaman kong may drummania/guitarfreaks v4 dun. 2nd hand yung machine pero ok lang. sa drummania, malinaw screen.. medyo sablay lang yung bass (hindi ko maramdaman yung pag-spring back nung bass) sa guitarfreaks naman, medyo malabo yung screen.. player 1 is ok, player 2 sablay yung pick. pero ok na rin @ 24php/4 stages.
katext ko rin si
kuya habs nun. sabi ko may v4 na sa moa. sakto, papunta rin pala siya. ayun. nakita ko rin sina
pareng jake at kanyang mga kasama. matapos ang mahaba-habang paglalaro at pagtayo, nagpasya na ako makipag-meet sa global fun carnival kasi nagtxt na sila sa akin.
medyo fail sa akin ang global fun carnival. ang all-access pass mo na nagkakahalaga ng 450, para sa akin ay sayang. sana nag-star city na lang kami. isa lang ang nagustuhan kong ride dun. yung ranger.
nung pasukin namin yung mga booths na may mga nanggugulat, medyo nagkaroon ng stampede dahil sa mga kasama naming parang mga timang. nung una ayaw nila pumasok, pero sila rin ang nag-unahan. naitulak ako sa loob nun. muntikan pa akong madapa. badtrip. madilim na nga, tumakbo pa.. haay, talaga nga naman.
max xmas
nung friday, christmas party nung mga taga max. kasama din kami dun kaya yun, nandun kami. sa grilla ginanap ang nasabing kasiyahan. may palaro at syempre inuman. at sobra ata ang inom ko, imbes na makapagtrabaho ako, ay nauwi ako sa pagtulog sa bahay nina ate eden. (ayoko na tlaga ng hard drinks. suko na ako. tangina amp.)
textspeak (nagtxt -> nagtext, tlaga -> talaga) -40 freakpoints