anak ng.. powtek!

Dec 21, 2006 09:42

ayan, nagkaroon din ako ng interest na i-update ang aking LJ.. say mo, ang tagal na ng account na ito, ngayon lang nalagyan ulit ng laman.. haayz..

minsan, nag-lu-lurk lang ako sa LJ, nagbabasa-basa ng journal ng iba (habang yung sa akin e tigang). nag-lo-log in na rin ako kasi kung sakali man kilala ko yung may-ari ng blog, pwede ko na siya i-add. e ang kaso, sa bawat attempts ko na ilagay ang username at password ko, laging mali yung nailalagay ko na password. powtek talaga. lumalala na ba ang memory gap ko?!



--

kagabi, xmas party ng bmx sa bahay nina EJ. in fairness, nasa rooftop (redundant) kame. na-late ako ng pagpunta dun kasi isa, may trabaho ako (asa makaalis ako ng maaga, duh!?) pangalawa, namili ako ng t-shirt saka ambag na pagkain (crema de futa -este- fruta ska potato twists na malutong. muntikan pa ako maligaw sa pupuntahan ko. buti na lang, naisip ko na tatawid nga pala ng EDSA yun.. kaya nakarating din ako ng matiwasay. hinintay ako nina sketch, maybelle, rhina at clay sa may 7-11 tapos pumunta na rin kame kina EJ. nagkukulitan kame at kung anu-ano pa.. nagkaroon din kame nung pinoy henyo game. nagdecide na ako umuwi kasi may pasok pa ako kinabukasan. sinamahan ako ni rhina at maybelle sa sakayan. umuulan pa nun.. grabe! nagtaxi na lang ako (na hindi ko usually ginagawa) pauwi.. gusto ko sana hanggang sa bahay. kaso pasaway na driver, hanggang bayan lang siya. pumayag na lang ako kasi kailangan ko na umuwi. pagbaba ko ng bayan, nabayaran ko na siya and all, pagsara ko ng pintuan, bumukas siya.. e di sinara ko ulit. nagkamali ako ng hawak kaya yung hinlalaki nung kamay ko parang na-puwersa kaya masakit siya.. kahit hanggang ngayon masakit pa rin (partida yun habang nagpopost sa LJ) ayun.. malas.. pero nakauwi din at natulog ng mahimbing...

--
ngayon naman, as useless, na-late ako.. may nabili ako na bibingka sa may lrt.. yun ung lagi kong nakikitang bibingka na nde ko mabili baka kasi nde masarap.. pero nagkamali ako.. sobrang sarap niya.. nde ako nagkamali na bilhin siya... weeee...

try ko bumili ulit.. food trip...

sige, balik work muna aketch! babush!

food, didz

Previous post Next post
Up