a week long update?

Oct 06, 2008 00:34

sorry, puro memes lang napopost ko. mukha tuloy neglected yung blog ko. kaya yan, naisipan ko na ring magpost ng something na may katuturan. LOL.

Sunday, September 28

gig ng Asian Chicken Festival sa EK. nakisabay ako kay erving papunta dun. nakarating kami mga tanghali na. sa tingin ko fail yung performance ko dun.. sobrang pagod na ako before pa ako magperform not to mention nde pa ako kumakain kasi wala akong budget at mahal ang pagkain dun. at nausog pa yung performance time namin. dapat around 3pm pero mga 5pm na kami nakatugtog. nakasunod din pala si shane sa EK. at salamat sa kasama niya, nalibre ako ng food dun. tapos sabay kami ni kirby nag-rides. roller skater, flying fiesta at carousel lang nasakyan namin. haay. sayang, nde namin nasulit yung libreng ride-all-you-can. owel.

Monday, September 29

surprisingly, natanggap ko na agad yung sweldo. at kinontak din ako ni dandan dahil gusto niya magpasama sa converse sa marikina dahil sale. ayun, nagkita kami sa riverbanks. nag-stroll stroll ng kaunti. tapos tumigil sa isang bilihan ng bag dahil gusto kong bumili. wala akong nagustuhan sa mga bag na nandun. pero si dan, gusto niya nung belt bag. so binili ko yun para sa kanya. in return, siya nagbayad nung pepperoni pizza (na matagal ko na kine-crave) sa greenwich. tapos nun, nagtungo kami kung saan yung converse sa may parang, marikina. then hinatid niya ako sa bahay.

Tuesday, September 30

2ND MONTHSARY namin ni dandan. :) akshali, kaya ko binili yung bag eh dahil monthsary namin kinabukasan nun. ayun, nauna lang yung gift ko sa kanya. hehe. kinaumagahan nito, nagtungo ako sa doctor para ipa-check up yung mata ko na namamaga simula nung sunday. ayun, niresetahan ako ng antibiotics na 626mg. talk about high! tapos, nagpa-rebond ako sa salon na kilala ako. ayun.. straight ang hair ng lola mo. hehe XD then work. then after ko ng work, punta sa bahay nila. supposedly kakain kami ng steak sa gabby's pero nde na lang namin tinuloy para makatipid na rin. after nun, dun na ako natulog sa kanila.

Wednesday, October 1

holiday! yey! kinaumagahan, nagpahatid yung mum ni dan sa office. sumama na rin ako para makasabay pauwi. after namin hinatid ung mum niya, nag-rodic's kami ni dan. hehe. tapsilog. after nun, ibinaba niya ako sa batasan then dun na ako sumakay pauwi. mga hapon, pumunta ako riverbanks ulit para ipapalit yung belt bag na binili namin nung monday. may sira kasi. tapos bumili din ako ng cute na keychain na may letter D. dalawa binili ko, isa sa akin, isa sa kanya. then after that, dumiretso ako sa bahay nila. and yeah, dun ulit ako natulog.

Thursday, October 2

sabay kami ni dan umalis ng bahay nila. papunta siyang work. ako, pauwi na. nanlalambot daw siya nung time na yun so minabuti kong samahan siya hanggang office nila sa may agham. ayun, pagkadating namin dun, pumasok na siya at ako nagtaxi na pauwi. then ayos, then pasok naman ako sa work. marami-rami din akong nai-design nung day na yun at stressed ako sobra kaya nag-aya ako ng hangout kasama sila ate jewel at kuya elben. nauwi sa tawanan at kung anu-ano pang kulitan nung gabing iyon. at umuwi kaming nakataxi. nakauwi na ako ng around 12mn na rin ata yun.

Friday, October 3

usual, design design.. nde rin naman kami nagkita ni dan that night. so ayun, gala muna ako mag-isa. naglaro ng kaunti sa q powerstation eastwood. tapos, nagpabili sa akin si dan ng sinturon. babayaran na lang niya pag nagkita kami. ayun.. hinahanap ko yung tiangge sa eastwood kaso wala na.. so nagtungo akong cubao. una, alimall dapat. kaso wala dun so direcho akong SM. ayun, nakabili ako. then ibinili ko na rin dad ko ng wallet. at nakakita din ako ng sale na t-shirt dun. sabay nakita ko yung dating IT nung school namin, si sir albert. kasama niya yung gf niya. pinaunlakan naman nila akong sumama sa kanila. ayun, nilibre ako ni sir albert ng dinner sa kfc. nahihiya nga ako eh kaso sabi niya minsan lang daw kami magkita kaya sagot na niya. after ng dinner, umuwi na rin ako. sakay ng taxi.

Saturday, October 4

umaga, nagtungo ako ng doctor para sa follow up checkup. ayun, tuloy pa rin meds ko hanggang wednesday. then after ng doctor, may nadaanan akong noodle shop sa may parco concepcion. may curry sauce sila! tinry ko. masarap siya. iba sa lasa ng HK style noodles. hehe. then nagtungo ako sa salon upang magpamanicure. pagkauwi ng bahay, internet muna saglit, ayos then pumunta sa bahay sila kuya elben at yung pamangkin niya, si melisse. sabay na kami papuntang mega para sa meeting ng cosplay mania. dala din namin yung drumsticks ni kuya elben na kinuha pa namin sa bahay nila ulit. bumaba talaga kami dun sa sinakyan naming jeep para kunin yung drumsticks. haha XD then yun, taxi papuntang mega. tapos sumunod si dan sa meeting. inayos namin yung mga posters ng cosplay mania etc etc etc.. then after that, tambay hanggang closing ng mega. pumunta kami sa tokyo tokyo para i-meet sila ate tanya dun. after ng kauntin kain at chika, umuwi na kami. sumabay sa amin sila mark cerezo, kuya elben at melisse. diretsong hinatid na ni dan sila kuya elben sa bahay nila then since on the way papuntang fairview yung kila mark, ibinaba na rin namin siya. sa may greenland lang pala siya nakatira. ampf. ayun, ako naman kasama pa rin ni dan hanggang sa bahay nila (which is lol kasi malapit lang kila kuya elben yung bahay namin. XD) dun muna ako magstay.

Sunday, October 5

dun lang ako sa kanila the whole day. and we had a good lunch kanina. steak galing sa gabby's. nakisabay na rin ako palabas para bumili ng meds ko. ayun, pagkauwi sa bahay, kainan na. then nilabas ko yung tiramisu na binili ko kay ate jewel. pinagsalu-saluhan namin. at nasarapan yung mum and yung mga tita ni dan. then tamang tambay lang sa bahay nila etc etc etc. tapos mga 10pm, nagpasiya na akong umuwi dahil gabi na at kailangan na rin matulog ni dan. hinatid niya ako sa bahay. well, unexpected since sabi ko lang sa kanya, pahatid hanggang sakayan. grabe! ang gentleman niya talaga.

ayun, hanggang dito na muna. tinatamad na ako eh.

life

Previous post Next post
Up