oh well, update muna ako sa mga nangyari sa akin for the past few days :)
Thursday, May 8
nagtungo kami nung friend ko sa riverbanks, dun sa may dampaan para kumain dun sa suki naming kainan. kaso sarado sila so napilitan kaming kumain sa iba. ayun, masarap din naman ang food nila dun (apparently, kahit iisa lang ang niluluto nila, iba-iba naman yung lasa) ang kinain namin - sisig, inihaw na liempo, sinigang na hipon at yung sizzling tuna at samahan mo pa ng side dish na manggang hilaw na may alamang. yummy!
after nun, umuwi na sila at ako naman medyo naging adventurous kaya nag-kohii session akong mag-isa. tinry ko ang cordillera coffee sa may riverbanks arcade. eto ang binili ko.
café sevílle: coffee shake with orange and cinnamon twist. Php 105 for 12oz.
Friday, May 9
nagcelebrate si
ate jac ng birthday niya sa antarcs. hindi na namin nakayang magluto kaya bumili na lang kami ng kfc bucket para sa 21 katao. dinala namin sa antarcs at ayun nagsikain. mga andun: ate jac,
dandan,
dee,
tonet,
pao,
adz, ako,
retsu,
eric, mau, leng,
matt,
zae,
erv etc (sorry, hindi ko na maalala x.x sabihin ninyo na lang kung hindi ko nailista yung pangalan ninyo dito x.x) after ng munting salu-salo, pumasok naman ako sa work.
Saturday, May 10
ongaku day! ginanap ito sa atchie's restobar sa may el pueblo. tumugtog ang ppf all-stars dito. :)
pero ka-badtrip lang eh sobrang lakas ng ulan. nagkaroon pa nga ng great flood (LOL) sa mega. eh ang haba ng pila sa taxi. so minabuti namin kontratahin ang isang fx driver para madala kami sa el pueblo. buti naman meron um-ok kaya nakarating kami dun ng matiwasay.
masaya ang naging gig. ok naman yung place pero medyo nakakahilo kasi sa lakas ng instrumento at sa mga nagyoyosi sa loob. then after that..
Sunday, May 11
nag-aya ng roadtrip si erv. kasama si matt, dee, nadia (hinatid namin hanggang san pedro, laguna) at kachan (na hinatid naman namin sa bicutan) then after nun, nagtungo kami sa bahay ng isang ppf balikbayan, si miffster. dun kami nagpa-umaga. ang mga nandun: dward, terry at kame. hehe XDD
mga around 7am, lumarga na kami patungong antarcs para dun na matulog (at dahil tapos na rin ang curfew) nakatulog naman ako kahit papaano. nagising ako around 1pm.
at feeling ko sobrang bagal ng araw kahapon. parang ang tagal niyang matapos. oh well, baka sobrang bummed out lang kaya parang ganun.
nakauwi na ako sa bahay mga 1.30am na rin.
oh well, dyan na muna. medyo tinatamad na ako.
PS. tong its tayo.
meme tiem~
How You Live Your Life
You seem to be straight forward, but you keep a lot inside.
You're laid back and chill, but sometimes you care too much about what others think.
You prefer a variety of friends and tend to change friends quickly.
You tend to always dream of things within reach - and you usually get them.
How Do You Live Your Life?