TLTB - too lazy to blog. lol. pauso ko. haha XD ngayon lang ulit ako sinipag mag-update ng blog ko tungkol sa mga kalokohang nangyayari o nangyari sa akin. haha XDDD oh well, here goes
friday, may 2
supposedly magco-coffee session lang kami ni
eric somewhere. walang lang. just for long talks. (na apparently, napapadalas din) nauwi ang lahat sa isang late dinner sa ebisu. tinry namin yung teppanyaki grill dun. in-order namin yung pork and chicken (na kampante ako kasi ako nagluto, no allergies!). ni-reto din sa akin ni eric yung agedashi tofu ng ebisu. kakaiba siya sa agedashi tofu ng ibang resto kasi malapot ang soy sauce niya. at masarap in fairness, [isusunod ko na lang yung pix] kasama pa dun sa in-order namin yung kani fried rice (sa akin), steak fried rice (kay eric), isang tamago roll, green tea shake (for me) and bottomless iced tea (kay eric).
at hindi pa kami na-kuntento. nag-in lang ako sa office tapos bumaba ulit para magcoffee sa CBTL sa eastwood :)
saturday, may 3
pagkatapos ng shift ko, umuwi ako para matulog tapos mga around 5pm, gumising ako para mag-ayos dahil pupunta ako sa mega para kitain dun sila
adz. ayun. nakita ko rin dun sina
kuya habs,
deevs,
dward, eric,
carding etc etc etc. at syempre, tinamaan ako ng kawalan ng motivation sa office, nagpasya akong lumiban sa opisina. ayun.
tapos nagbowling sila. sumali ako. kaso kulelat. lol.
after ng bowling, bili ng ice cream sa fiorgelato at umuwi na rin ng antarcs pagkatapos.
nagutom kami around 2am. nagluto si adz ng scrambled egg na sinabay namin sa tinapay. tapos napasarap ang kwentuhan kaya nagulat kami 5am na pala.
sunday, may 4
12.30 na ako nagising. at nagulat ako walang tao sa may salas. yun pala, naglunch sila sa labas. ayun. humiga na lang ako sa sofa bed at naglaro ng taiko no tatsujin. tapos dumating si
maiko. sinalang niya sa DVD yung daywatch, isang russian film. maganda yung cinematography niya. kaso nakatulugan ko pala yung film. lol. ayun, nagsidatingan na rin yung iba galing sa lunch.. after nung daywatch, pinanood naman nila yung tomie, isang japanese horror film. hindi ko na rin napanood ito kasi nagugutom na ako. at sinamahan ako ni adz at
pao na bumili ng food. ang kinain ko, isang footlong sandwich, isang siopao at twister na wafer stick.
tapos nagcrave si pao ng tortang talong kaya naging dinner namin yun. ako ang nagluto. hehe XD
nagkaroon rin kami ng twewy mingle sessions. at congrats kay adz dahil nakaka-mingle na rin niya kami. lol =))
ayun. late na ako nakauwi kagabi. as useless..
so mamaya at sa wednesday, may practice ang PPFAS. grabe! pagbubutihan ko para epic gig is epic :)
o siya, hanggang dito na lang..
PS. adik na rin ako sa TWEWY. bihira lang ako mag-adik sa mga games x.x
PPS. nagugutom ako.. x.x
--
meme tiem~
You Are a Life Blogger!
Your blog is the story of your life - a living diary.
If it happens, you blog it. And make it as entertaining as possible.
What Kind of Blogger Are You? You Are 72% Bipolar
You're more than moody - you're a bit unstable.
If your mood swings are effecting your life, you may need to seek help.
Are You Bipolar? gawin nating dalawa. hehe. pambawi :)
LOL cat pic of the day