at titiyagain ko na lang..

Apr 18, 2008 09:06

ang pagpost dito sa lj ko gamit ang default na post an entry page! mano-manong HTML na ito LOL.

--

at eto ang mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na araw:

4/11 - Sir Ed's Birthday Bash

birthday ni sir nun at magbi-birthday din si kuya henry nun.. naghanda sila sa antarctica. grabe! ang saya ng celebration. at may inuman sessions pa. lol. dalawang beer ang una kong nainom at nakitagay din sa chivas. grabe! namula ako dun sa chivas..

note to self: TRAYDOR KA, CHIVAS o.o

4/12 - PPF Grilled Tomato EB

ayun, nakasama din ako sa eb ng PPF sa grilled tomato sa tomas morato. nauna akong nagtungo dun kasi galing ako ng bahay. ayun, madami-dami din kami. tinry ko dun yung chicken gyro. masarap siya. at syempre, hindi mawawala ang blueberry yogurt shake :) after nung event, nagtungo ako ng antarctica upang dun na magpalipas ng gabi (since nag-leave din ako for work.)

4/13 - Antarctica Badminton Sessions

actually, nag-aaya lang ako na magbadminton. plano talaga is sa ibang araw. pero nagulat ako nung biglang naglabas si sir ng badminton racquets at shuttlecocks. at may net pa! ayun, nagpapawis ako. haha. yey exercise!

4/14 - 1 year old na ako..

bakit 1 year old? kasi napagtanto ko, 1 year na ako sa PPF All-Stars! una kong gig noon ay yung j-crunch ripiito, april 14, 2007 yun sa may makati park ba yun? kasagsagan ng election nun. may meeting de abanse pa nakasabay dun kaya sobrang traffic at delayed yung program. at memorable yun kasi ang kanta ko nun ay monster tree... at may usok. bleh!

nagtungo ako ng antarctica dahil trip ko lang. at dahil sweldo, bumili ako ng cake. nagtataka sila dun kung bakit may cake. ano raw ang okasyon. sinabi ko na lang, 1 year old na ako. haha XD

4/15 - Antarctica ulit.

after ng shift ko, nagtungo ako ng SM north upang kitain dun sila ate eden at kuya kyo. bibili kasi sila ng doggie cage. mahal sa may sm kaya binili na lang nila yung andun sa may zabarte. punta kami sa bahay nila kuya kyo. bumili ng isaw etc.. at kumain. nakapag-confe pa ako sa ym nun. then nagtungo ako sa antarctica. pagdating dun, the usual kulitan etcetera. at nag-aya sila kumain sa chowking. after nun, balik antarcs, pahinga then uwi.

4/16 - Kohii Sessions @ Kopi Roti Columns, Ayala Ave

pangalawang beses na namin nagawa ito. at mukhang mapapadalas pa.



kopi roti's set meal. iced kopi, kaya toast and soft boiled eggs with soy sauce and pepper
PHP 100 (kung hindi iced yung kopi mo. add 5 for iced.)

bored ako nung araw na ito kasi wala talaga akong kaplano-plano for the day nang biglang nag-aya si ate eden na mag-GT. sabi ko, magkohii sessions kaya tayo? ayun, napagpasyahan namin na sa kopi roti gawin dahil gusto ko rin matry dun. akala ko mahal dun, pero nagkamali ako. sulit yung price niya. at nakaka-miss ang simpleng iced coffee. ayun, babalik kami dun, pero sa ibang branch naman :)



sessionistas
ang present doon ay sila dward, ate eden, erving, jake, tonet, adz at ako.

nauna nang umuwi sa amin sila jake at ate eden. after nung kopi roti, nag-SEx* kami sa may sucat. then hinatid si tonet, then si adz, then si dward, then ako.. salamat erving for the roadtrip :)

at salamat din dward at lss ako sa tunog sa cooking with the dazas. syet! (shakatak - invitations)

*SEx - Sinangag Express

4/17 - Basketball!

kahapon, as useless, bored ulit. inaya ako ni adz na sumama sa basketball game nila. um-oo ako since wala naman akong plano. tumambay ako ng office at naki-beta test na rin nung ginagawa ng team namin na mobile social networking site. tapos nagpa-pizza pa sila. after nun, around past 7pm, nagtaxi na ako papuntang office ni adz. pagdating ko dun, andun yung usual people na nasa office syempre at si kel. then nagpunta kami ng xavier school dahil dun yung court na paglalaruan nila. after ng game, nag-aya sila sa sofreh, isang persian resto sa may greenhills.



sadya yung posing ni kel, kunwari daw lasing siya >.<

ang masaya dun sa place eh pwede kang kumain dun sa gitna. may rug siya at unan. tapos low table. ang cool! at kapag may nagpatawa, masarap din gumulong sa rugs. LOL

Other Updates

naaliw ako sa patapon. pero ngayon, balik DS ako. nilalaro ko yung The World Ends With You. ang cool niya. hehe XD




at tinatamad na ako magtype. dito na lang muna >.<

--

at sa pagbabasa mo nito, naka-tatlong edit na ako. OC, pasensya.

Previous post Next post
Up