Acquitted from a series of unfortunate events :)

Mar 17, 2008 23:11

At sinong nagsabing pag nakulong lang ako saka ako kakain ng dark chocolates (na marami)? wahahaha! parehas lang un, pag malungkot, chocolate para sumaya. pag masaya naman, chocolate din kc nagse-celebrate nga eh. wahahaha! so in short, chocolate lagi-lagi hehe :)


acquitted: i finally got my NBI clearance yey! :)

The other unfortunate events in the series starting with the delay of my NBI clearance are the following:
  • "Naiwan"/nawala ko ung susi ng flat sa loob ng bahay. Hassle kc kinailangan kong umuwi sa totoo naming bahay dahil gabi na at hndi ko talaga alam gagawin ko. kinabukasan, transport strike. medyo nakadagdag din un sa hassle pero nakarating naman ako sa up, naghanap ng locksmith na kukutinting ng pinto. mga 1 minute lang bukas na ang pinto. but lo and behold, the keys are still nowhere to be found. hassle!!! to cut the long story short, i found it under the passenger seat of the car. so hindi pala sya naiwan sa loob ng bahay. gosh. may locksmith locksmith pang nalalaman. acquitted: at least nahanap ko ung susi at hindi ako kami nanakawan.

  • Hassle with LTO officials na gustong magdala ng sariling kotse for the actual practical exam. Eh pano ko nga un dadalhin eh wala nga akong lisensya? hay nako. acquitted: nakuha ko ung license ko ng walang kahit anong bahid ng bribery. yesss! at may lisensya nako. woot! ;))

  • Kaso pagkakuha ko ng license eh may naatrasan naman akong nanahimik na kotse sa UP. Haaaaaaaaaayyy. ito actually ang pinaka-unfortunate sa series. grabe. neway, i left an apology letter and left my number as well. the owner contacted me afterwards and kakabayad ko lang kanina. im so broke. yarr! acquitted: at least hindi bago at mamahaling sasakyan ung nabunggo ko and moreover, hindi tao! grabe, maswerte pa din ako.

At marami pang ibang pwedeng ipagpasalamat:
  • hindi kami ung nasunugan sa bago bantay pero sobrang lapit lang nun at malaking sunog pala talaga sya. grabe, here i am being sad about small hassles samantalang ung iba nasusunugan na pala or something na mas malala.
  • dear friends who are there for you no matter what (u all know who u are)
  • loving mommy who knows that im not ok even if i dont say anything and puts chocolates under my pillows to console me.
So there, have a meaningful Holy Week everyone! let's all learn to embrace our crosses. They're nothing compared to the Cross that Jesus had to bear :)

Previous post Next post
Up