Mar 05, 2008 00:45
1. NBI clearance
-i waited for two weeks because my name got a "hit". after two weeks, pumila pa ko ng sobrang haba sa city hall so that i can finally claim my clearance, tapos sasabihin sakin pumunta daw ako sa quiapo sa friday kc iinterviewhin pa daw ako dahil may kapangalan ako! waah! one, ang tagal-tagal na delay na nito. two, sayang sa oras pupunta pa kong quiapo. three, hahanapin ko pa yun, eh bano nga ako sa direction. four, ang init. okay wag na ung four kc maarte lang. four pa rin, nakaka-paranoid lang...may nagawa ba kong masama? kc di ba may criminal case lang yung ayaw bigyan ng NBI clearance? o kaya baka may kalaban ako...tapos hinabla na pala ako. ung mga tipong ganun lang. tapos sa friday ko pa malalaman ang katotohanan. yarr. T_T
2. Perfect driving skills.
-hay nako. lagi na lang akong may maling ginagawa...syempre hindi naman ako forever na masasamahan ni chris at timi. eh pano pag ako na lang mag-isa? :( at sorryng-sorry kung lagi ko kayong nalalagay sa near-death experiences (lalo na ung isang lalaki jan ang yabang-yabang, 1st time lang naman mag-jogging sa acad oval). hahahaha walang sense! pero cguro ninerbiyosin din ako kung ako kayo. cge dadagdagan ko na lang ang pagdadasal ko para hindi tayo mapahamak pag nagpa-practice tayo...saka syempre gagalingan ko na din promise :D
3. Gold sablay and medal.
-hay..its final, talagang hindi ko na maaabutan ang April graduation. anyway, keri lang naman. (DOST deadline: April 2009 BUT my self-imposed deadline: Summer of 2008)
4. Ne-Yo concert last week
-too late na when i realized na gusto ko pala talagang manood. tapos pumunta pa syang RX...eh ambilis lang kayang makapunta dun! hay...
5. Maroon 5 concert tonight
-eh ngayong week ko lang na-realize na kelangan ko na palang magtipid so pass na lang jan muna.
6. Shopping/Malling/Food Trip (new restos)/Spa/Outing
-although ito ang mga stress-busters ko at sobrang saya talaga pag nag-gaganito, kelangan munang mag-sacrifice this month. saka next month cguro para makaipon ng pang-bohol (yey! awoo awooo!)
7. Healthy Happy Pet
-kagabi nakatuklas ako ng dalawang pirasong flea kay Burger. sobrang naiiyak ako kc kawawa naman sya. haller, sino ba namang may gustong may manirahang parasite sa buhok mo? nafi-feel kong ayaw nya nun pero syempre hindi naman sya makapag-reklamo. buti na lang wala na kaming nahanap na iba pang fleas. at sana wala na ulit fleas na mangahas na maging parasitic sa kanya. bibilhan ko sya ng mga bagong shampoo and grooming kit bukas.
8. Friendly Happy guard
-hay nako nakaka-stress ung bago naming guard sa building. nakatulala lang sa kawalan forever. tapos hindi pa maaasahan pag nagtanong ako ng whereabouts ng mga professor at technician. haller? sya ung unang-una mong makikita pagpasok mo tapos nakabusangot na agad. mas gusto ko pa nga pag nagkakataong on-roving sya pag pumapasok ako eh.
9. New cellphone and cp #
-gusto ko sanang magkaron ng bagong cp at #. una, mahirap magtext sa cellphone ko pag nagda-drive at ung sa pangalawa naman, basta. pero since magtitipid nga ako, titiisin ko na lang. keri lang naman eh.
10. Accessible jeepney terminal
-lumipat na pala ung UP-SM terminal from SM to trinoma. ang layo layo layooooooooo!!!!!!!!! as in. nakakainis. errrr nagji-jeep pa din ako kc hindi ko pa naman kayang mag-drive pauwi sa bahay namin. hahaha buking! pero cguro nga i just need to widen my comfort zones.
Oh well. :|