Mar 24, 2009 13:10
Eto na naman ako sa aking taunang walang patumanggang pagmumura. Napansin ko na kinakarir ko na ang mga entry na ganito. Ang pagkakaiba lang, ngayon, tagalog ako nagsasalitype. Wala lang, maiba lang.
At ang taunang reklamong ito ay inihatid sa inyo ng ibang klaseng init ng panahon (teet teet teet teet DZRH). Dahil nagising ako, muli, sa ikatlong taon, dahil sa tindi ng init ng hapon (nasa unang syllable yung accent ah! at hindi kapital letter yung H).
Tumatagtak ang pawis ko. Sinadya kong hindi buksan ang aircooler dahil inisip ko na pag hindi ko inon yun, magigising ako ng maaga at makaka-attend ako ng meeting ng 8:30 PM. But no! Never ko namang pinlano na magising ng GANITO kaaga (ala-una pa lang, at alas-diyes ako natulog).
Fine, yun lang. Kelangan lang mag reklamo.
*goes to turn on aircooler*
summer,
rants