I still have 6 Vacation Leave and 4 Sick Leave na pwede ubusin. Sa sobrang dami ko nang absent ngayong 2006, sa lagay na yan, ang dami ko paring natitirang VL and SL. Paano kaya nangyari yun? Harharhar!
Kanina naka VL ako. Umalis kame ni Ren. Unang pinuntahan namin ay yung sale ng Team Manila. Syempre nagkita kame dun ni
kazarareta. Wahehehe! Namimili rin sya ng Team Manila Shirts. Si Ren nakabili ng 1 shirt at ako naman, 1 tote bag and 1 wallet. =D
Pagkatapos sa Team Manila, Kumain muna kame ni Ren ng lunch sa may LRT Buendia tapos pumunta kame sa Pier para mag ukay ukay ng gitara. Salamat kay
xkeidax sa pagturo ng location. Hehehe! XD
May nakita kameng kamukha nung gitara ni hide. Mocking bird style. Kulay silver and black kaso nga lang hindi Fernandez ang tatak. Medyo mahal din. kamukha nung tinitinda sa megamall (yung Lyric). Nung una PhP 6,000 daw pero last price PhP 4,500 tapos kulang naman ang strings, syempre marumi, at di pa sigurado kung tutunog. Kainis. Sabi ni Ren kung pwede PhP 3,000 or PhP 3,500 na lang. Hahaha! Syempre hindi pumayag. Nilayasan tuloy namin yung tindero. Bwahehehe. XDDD
Lipat kame dun sa isang tinadahan ng guitara at eto ang nakita namin. XD
Alright!!! hide: Psyence A Go Go! :D
Syempre hindi naman namin binili kase bass guitar sya. Nakipicture lang kame. ^_^0
Resulta ng ukay ukay gitara trip namin? Wala.
Wala kameng nabili pero ok lang. Ayus naman sa experience. Babalik na lang kame sa susunod. =D
Pagkatapos sa Pier, nagpunta naman kame sa Quiapo para tumingin tingin ng dibidi. Nakita naman namin dun si Ais (OAV member na taga Laguna). Naghahanap din sya ng dibidi. hahaha. Nagulat pa sya nung tinawag ko kase twice or trice na rin kameng nagkikita sa Quiapo by accident. XDDD
Tapos daan kame sa Raon. Tingin tingin din. Amp puro kame window shopping. XD
Tapos pahinga muna sa bahay nila Ren. Nag-internet hanggang 7:30PM.
Tapos punta kame megamall para mag dinner at konting libot sa toy kingdom.
Tapos punta naman kame sa Shangri La para mag ubos ng sticker ng starbucks.
Tapos umuwi na kame at eto, update nanaman ng LJ.
Mamayang umaga pupunta kameng Olonggapo (with mom and dad) para mag Duty Free. Hindi ako makakapunta sa FC Christmas Party at sa Reunion ng blockmates ko sa Fine Arts. Nyahuhuhu.
Anyway, OT! Meron ba sa inyong sasali sa cosplay ng toy con (Dec 22-23)? Naghahanap ako ng kasama. Baka mag cosplay ako. Recycle lang. Heheh. ^__^ Nah! Nagbago isip ko. lol. thanks to
uchihayukiko for the chat. :D
My Christmas Stocking
Xmas Stocking
leave a gift for h_matsumoto
get your stocking