maghihintay ako

Mar 02, 2008 18:30



sa huli nating pagkikita
hawak ang sumpa mo sinta
umaasang totoo ang mga salita
kahit mapalalyo ka, mamahali'y ako lang talaga.

lumalakad ang mga araw
tumatakbo itong oras
di ka maalis sa aking isipan
at ang mga pangakong iyong iniwan.

tamis ng 'yong halik
init ng 'yong yakap
busilak mong ngiti
taglay mong kakisigan ay labis na inaasam.

ngayon nga't malayo ka
ikaw lamang lamang ang naaalala
laging umaasang makakasama
kahit sa panaginip man lang
    ika'y aking madama.

isipan ko'y gulung-gulo
kung bakit nagkakaganito
ngunit maghihintay ako
kahit mangayayat pa ako.

sa iyong pagbalik
sana ay malaya pa
upang matupad ko na ang pangakong magsasama
walang iwanan, di ba?

Next post
Up