Nakakatuwa. Last week nakatanggap ako ng package galing kay Donna (I prefer to call her Wudrew actually). Nasa beautiful place of Palawan kasi siya ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, 2 buwan na siya doon. Kailangan daw niya ng bakasyon sa labas ng siyudad. Masyadong magulo, masyadong mabilis, sino nga naman kaya ang hindi mapapagod? At syempre, namimiss na niya ang pamilya niya, hindi maipagkakaila yun. Kung sabagay, 4 na taon din dito ang aking kaibigan, tatlong taong nagaaral at mahigit isang taon ding nagtrabaho.
Babalik na siya ulit dito ng 2nd week of August. Lahat sa barkada excited sa pagdating niya. Loka kasi 'tong babaeng to e. Masarap kasama, nakakatawa, malambing at very open-minded. Naging close kami nung 1st year college, at talagang obvious na, "same wavelength" kaming dalawa.
Teka, parang napapalayo ata ako sa dapat kong sasabihin.
Yun nga, namiss ko siya, lumabas ang bagong libro ni Bob Ong na MacArthur at dahil alam kong wala sa Palawan nito, eh ako na ang nagkusang padalhan siya, kahit hindi niya sinasabi. Natuwa naman, nagtatatalon ata, hindi ko alam, basta ang alam ko, pagka text niya sa akin, parang nasa tabi ko lang siya dahil ramdam ko ang tuwa.
Wala naman akong sinabing bigyan yun ng kapalit. Hindi naman ako ganong tao, kaya nagulat na lang ako ng biglang may dumating na package na nakabalot sa matibay na plastic ng LBC (Hari ng Padala) ng umuwi ako isang gabi.
May sulat si Donna sa akin, mahaba, nakakatuwa at masarap basahin. Pero ang pinaka natuwa ako sa lahat ay ang mga binigay niya sa akin na kasama ng sulat na iyon.
At yun ang gusto kong ibahagi sa iyo. :)
Ito nga pala yung tinatawag nilang Dream Catchers. Sabi nila (ewan ko kung sino talaga yung nila), pag nanaginip ka daw, sinasala nito yung mga bad at good dreams. yung mga good dreams lumulusot sa mga butas at yun lang ang mapapanaginipan mo, at ang mga bad dreams? hindi nakakapasok sa mga butas at sumasabit lang sa net nito. Totoo kaya?
Pero hindi lang yan ang astig, siguro kasi, maganda din siyang tignan. Magandang pagmasdan dahil sa magandang kulay at ayos nito.
At syempre, mas astig kasi galing kay Donna at binili niya ito sa beautiful place of Palawan. Salamat ha? Mahal kita. :)