ilang pagbabalik-tanaw at kung bakit kailangang isulat ito sa tagalog...

Jan 05, 2010 09:36

2010 na pala. Mga 4 (apat) na araw na rin ang nakallipas mula nang  nagsimula ang bagong taon.  Ika nga ng sikat na OPM: "bagong taon ay magbagong-buhay...kaya nga ba ako nagsusulat sa aking kinagisnang wika? o napaisip lang (nga) ba ako ng aking napanaginipan kagabi?   Oo nga pala, kung nais niyo(ng) malaman kung ano itong/iyong aking napanaginipan, maari kong isulat din rito-- kaya nga lang may kahabaan.  Ang masasabi ko na lamang sa ngayon ay may kaugnayan ito, kahit papaano sa wikang Tagalog at noong ako pa ay nasa mababang paaralan ng Maryknoll/Miriam.

Napasulat din ako bigla dito sa aking Livejournal dahil mga ilang blog/LJ [ang masasabing/tinaguriang (mga) makabagong talaan/talaarawan]  ng aking mga matatalik na kaibigan ang aking binalikan at binasa lalo na nitong mga huling araw ng 2009 at napaisip na naman ako.

Aaminin ko bagaman na madalas at halos sinusubaybayan ko linggo-linggo ang LJ ni alguien, isang banyagang mag-aaral na aking nakilala noong taong 2004 bilang isang dalubaral/dalubhasa.  Hindi ko alam kung bakit aliw na aliw ako tuwing binabasa ko ang ilang mga naisulat niya ukol sa samu't-saring bagay mula noon hanggang ngayon; at kung isa (ho) kayo sa madalas at masugid na mambabasa ng aking LJ, mapapansin niyong, isa rin (ho) siya sa madalas na nagbigay-puna  sa aking mga naisulat.

...Malamang kakaunti lang naman din kasi ang mga kaibigan at kakilala ko ang gumagamit ng Livejournal at tiyak, kakaunti lamang sa kanila ang may alam na meron ako nito...

Gayunpaman, at tawagin niyo na akong baduy; bakya pa man; hindi ko pa rin makalimutan ang isinulat niyang ito, mga 5 [lima(-ng)] taon na ang nakakalipas.  At bagama't mga ilang buwan din ang nakalipas bago ko nabasa at nalamang mayroon pala siyang isang blog/talaan/talaarawan; marahil at matatawa lalo kayo kung aminin at sabihin ko sa inyo na hanggang sa ngayon, kahit 2010 na,  hindi ko pa rin siya nakakalimutan kahit na kasintahan na niya at kinakasama niya na sa kasalukuyan si stateofbliss . Hay (buhay)... Yun lang.  Malamang alam/naramdaman din niya naman ito kahit dati pa...kung ganoon man akong kalantad magparamdam o magpakita ng paghanga....hindi natin alam...Malay natin, baka pagkatapos niya itong basahin (kung gagawin o magkapanahon man siyang gawin ito),  niya lamang ito malalaman.  Hindi ko alam.  Ang alam ko lang, dahil dito,  kahit papaano, "nailabas" at mababawasan ang ilan kong "hinanakit" (kung masasabi nga nating meron 'man) sa simula ng bagong taon.

Oo nga pala, bago ko makalimutan, isa rin (mahalagang) palang dahilan kung bakit ako napasulat muli; kinakailangan ko rin kasing ipaskil ito-- para ilinaw [sa in(y)o] na hindi lahat ng mga Pilipin@/Pin@y ay di-binyagan:

http://www.selaplana.com/2007/01/06/filipino-paganism-on-the-roman-catholic-church/

Dito, at ito na lang muna sa ngayon dahil matutulog na (ho) ako dahil kailangan ko pa (hong) magpahinga dahil lumiban ako ngayon sa a[m(k)]ing kasalukuyang tanggapan dahil sa matinding sakit; at  mamya-mamya lang ay  kailangang ko na uling "maghahanap-buhay".

Salamat sa pagbasa at paumanhin sa mga hindi nakakaintindi ng aking kababawan o (sinasabing) kalaliman.
 

[mga] wika; emo $#!~; pinatnugutan

Previous post Next post
Up