Medyo napag-isip-isipan ko na baka ang secret to life is asking the right questions. O baka naman "ask, and ye shall receive."
Nasabi ko ito dahil nung isang gabi lang ay tinanong ko kung ano ba talaga ang cool. At ito ang naging kasagutan:
12:30am. Philippine Children's Medical Center (PCMC). 21 Dec 09.
Ang astig ng proyektong ito. Walls of Hope. Pagpapaganda ng mga pader ng PCMC. At, mehn, napakalaki at napakalapad ng mga pader nila.
Noong nalaman kong may ganitong proyekto, alam ko na agad na kailangang kasapi ako nito. Naging mabait ang PCMC sa akin. Suki ako rito; sa katunayan, dalawang beses na akong na-confine rito. Laging mabait ang mga duktor at masarap ang hospital food. Kaya sa pagkakataong ito, ako naman ang bumawi.
sand and surfboards. ang pader ay malaking coloring book kung saa'y para kang batang naglalaro sa kulay.
5:00am, 22 Dec 09.
The main man himself, Tomas Leonor. Siya ang head artist ng area namin. (Marami pang ibang walls/areas.)Sa kanya rin ang proyektong
Step Juan. 'Yan. 'Yan ang cool.
Si Kuya ang nasa far left, nagpipinta ng bandila.
Opposite wall, may design na ng balloons. Sponsored ng Boysen ang pintura.
Ang isa sa surfboards na ito ay collab namin ni Kuya.
Galing.
Flag. Gustung-gusto ko ang sense of movement ng design ni Tomas. Napaka-swabe ng transition ng elements, mula bandila hanggang buhangin hanggang balyena, hanggang dulo.
Sa litratong ito: Si Maricar, at isang tulog na volunteer.
Ang sarap magpuyat para rito. Nocturnal naman ako ngayon kaya ayos lang. Ang saya ng samahan habang gumagawa ng mural. At pag-uwi ko kanina, naabutan ko pang bumangon ang nanay ko. Haha. Shet.
Please check it out:
Walls of Hope.Hanggang Jan. 3 pa ang proyektong ito. Yikkee, magpipinta na 'yan.