Buhay bahay

Oct 30, 2008 21:11

1. Kauwi ko lang sa bahay ng mga magulang. Ngayon lang dahil tinapos ko pa muna lahat ng grades sa mga klase ko. Sa wakas.

2. Naka-uno ako! Sa theory class! Yehey!

Kahapon tinext ako ng prof ko sa chorry class. Natuwa siya sa papel ko. Pero kinulit naman niya ako dahil gusto niya isama yung isa sa mga kuwento ko sa journal. Sabi ko gusto ko pa i-polish yung kuwento. Madalian ito dahil handa na raw halos lahat ng materials niya para sa journal.

3. Pauwi na rin ng Pinas yung isang prof ko sa fiction. May utang pa ako sa kanya na mga kuwento. Kailangang maipasa ko na folio ko bago magsimula ang registration. Actually, binigyan na niya ako ng INC at gusto ko lang ma-clear yun bago ang registration para umusad na dun sa Language Proficiency Exam.

4. Nakatanggap ako ng bayad para sa raket na ginawa ko HALOS DALAWANG TAON NA ANG NAKARAAN. Kamusta naman di ba?

Basta lang ako tinext na handa na raw ang tseke at may kailangan daw ulit sila. Sabi ko hanap ako ng ibang gagawa pero busy rin ang lahat so ang ending ako rin ang gagawa.

Sa 2010 ko na siguro makukuha ang bayad para rito kung sakali. Kamusta naman talaga.

5. Naiuwi ko na rin finally sa bahay yung buko pie at kesong puti na nung Linggo ko pa binili sa Los Banos, nung nagawi dun para sa binyag ng anak ng kaibigan. Ang layo ng LB, in fairness. Kadulu-duluhan yata siya. Pero mura ang mga bagay dun. Nakapag-Yupista Breakfast Meal ako sa halagang 30. Isang hotdog, kanin, fried egg at Milo na yun. Buhay ka na dun, di ba?

6. Nabwiset ako sa matronix sa grocery kanina. Hindi ko naman sasagasaan ng cart ang apo niya noh. Ang layo ko kaya. Kung hindi sana nakahara dun ang apo niya at di sumbungera ang yaya at di mapang-away ang matronix sa isang non-event na di niya nakita, ayos na sana ang araw ko.

Hayun, kinailangan pa tuloy tumambay sa kapihan at nakikanta sa di mataong videokehan para lang mabawasan ng bigat ang kalooban. Magastos magtanggal ng inis.

raket, work, life, grad school, rant

Previous post Next post
Up