Last week's kangaragan

Sep 15, 2008 09:43

1. Nag-umpisa ako last Monday. Maaga pa lang nasa Shopping Center na ako. Lahat ng computers sa paligid ko ay yung cheerdance clips ng UP ang pinapanood sa YouTube. There are details you can get from watching the clips again and again kesa live. Like I didn't really notice na may nalaglag pala sa UP dun sa "Tribu" part at hindi naitaas ng maayos ang letrang T. Kebs ko. Blind spot na yun at keri lang dahil UP naman nanalo.

2. Which reminds me na Sunday pala nagsimula ang Ngarag Week. In record time nakaalis ako ng bahay in less than an hour pagkagising. Nainis ako sa bahay at lalayas muna talaga. Tapos tumawag kaibigan ko na may extra ticket siya para sa cheerdance. Fly.

3. Umulan ng matinding-matindi last week. Sa isa sa mga gabing iyon, baka nga nung Monday, natiyempuhan ako sa Katipunan. May tinapos akong errand kung saan nagkawala-wala ako ng slight (salamat kay Mitch sa direksyon), inabot ng rush hour kaya nauwi ako sa National Bookstore. Nagkalkal sa mga sale stacks at dun ko nakita yung "Antipodes" ni David Malouf. Binasa ko yung "Bad Blood" at di ko na binitawan yung libro. Natapos ko siya in 2-3 days. Panalo. At Php50 lang siya. Next time ko na idedetalye, basta sulit kung sulit ang libro.

4. Yung isang libro, "The Gangster We Are All Looking For," na Php50 lang din ay medyo slow going ang basa. Episodic, reads more like memoir. And I like nonfiction. But no, after a few pages, ibinaba ko na siya at dinampot yung Pico Iyer harping about the Global Soul and multiculture chuvaness. Kamusta naman di ba? But I'm banking on the idea na may action at gangster at racketeering na magaganap sa librong ito tungkol sa mga Vietnamese refugee sa Amerika at may mapupulot ako para sa crime fiction class ko.

5. Nung nasa National din ako, nakita ko sa nonfiction section ang "memoir" ni Haruki Murakami, yung "What I Talk About When I Talk About Running." Nung binasa ko yung libro, parang nobela yung dinedescribe so napa-tsk ako dahil malamang isa na namang naligaw ng libro ito. Pero sabi dito sa article, mukha ngang memoir talaga siya ng pagsali ni Murakami sa mga marathon at everyday na pagtakbo. Anyway, hardcover at mahal siya kaya di ko pinatos.

6. Napansin kong medyo hirap na ang tenga sa sobrang malakas na music. Kailangang mag-retreat sa pinakaloob ng Cantina at dun kumain ng nachos at beer.

7. Mahirap kumuha ng taxi pag umuulan.

8. Mahirap na kapag nakukulangan ng tulog. Naalimpungatan ako Wednesday ng madaling araw sa pagsigaw ng kapitbahay namin. Ang anak daw niya. Ang unang naisip ko, please don't let the kid die kasi hassle yun. Kinokombulsyon kasi. Nagising ang buong compound, nagkumpulan sa paligid ng nanay at bata sa malaking bahay, tuliro silang lahat haggang kinuha ng nanay ko ang kaisa-isang tray ng ice cubes sa ref at ipinahid sa bata. Ang mga kapatid ko naman yung tumakbo sa labas at kumuha ng taxi. Okay na ulit ang bata.

9. Nag-explore ako ng bagong supermarket nung kinahapunan. Pero nakasabay ko rin ang sangkatutak na high school kids. Naaliw ako sa isang grupo ng mga teenage boys na may tulak na cart na may lamang lata ng kondensada at nagbibilang sila ng piraso ng graham crackers. Gagawa yata sila ng mango float.

10. Nung Thursday naman, naputol ang tulog dahil may nagpapatugtog ng Carpenters. Ng alas putang kuwatro ng madaling araw.

11. Thursday ako nagreport sa chorry class namin. Buti naman at nagustuhan naman ng prof namin at puwede ring gamitin ng iba ang essay ni Gloria Anzaldua tungkol sa Borderlands at Bagong Mestiza. Last meeting na namin yun dahil writing break na kami at submit na ng paper sa umpisa ng susunod na buwan. Good luck sa akin kung paano ko gagawin yun.

12. Dahil sa dalawang gabing sunod na kulang ang tulog, bumagsak na ang katawan nung Biyernes. Actually Thursday pa lang ng hapon nung nagrereport ako ramdam ko nang masakit lalamunan ko. Natuluyan na.

13. May mga kailangang ayusing papel. Na ayaw na ayaw ko dahil kabuwisit lang ang pagpunta sa mga opisina para humingi ng pirma ng kung sino. Mukhang malalagasan ako ng malaki-laki ring halaga kung sakali. Shyet.

14. May isa pang committee work na dapat ayusin. Kailangan ng mga article tungkol sa pag-ibig at technology pero unfortunately, nagamit ko na ang ilang essays para sa midterm ng klase ko. So ngayon, bahala na sa kung ano ang isinabmit ng iba.

work, life, grad school, rant

Previous post Next post
Up