Oct 26, 2007 00:38
(070407 202am) pluma at pag-asa
sa wakas, nabuhay muli ang aking pluma
dahil ika’y nadarama
kay tagal na ring nagpahinga
tulog lamang at walang mailagda
kailangan talaga ng dahilan
upang puso at kamay ay magkaintindihan
tunay na kaya ang nararamdaman?
walang madaling paraan upang malaman.
sana’y di na muling matigil ang tinta
pagdaloy nito’y katumbas ay pag-asa
ang tono, kasabay na rin sana
upang maitugtog ko gamit ang gitara.
Baka sakaling palarin,
Sa pagakakataong naipagkaloob sa akin
May pag-asa kaya kung ako’y may gagawin
O sumakay na lamang kung saan dalhin ng hangin?