a letter to koya

May 05, 2007 18:15

dear koya,

itago nyo na lamang po ako sa pangalang ernesto. ako po ay isang labingsyam na taong gulang na estudyante sa CSBee. ako po ay kasalukuyang nasa bahay at nagpapainit ng pwet sa harapan ng kompyuter ko.

ang liham po ana ito ay tungkol po sa aking kaibigan na itatago ko naman sa pangalang Mirada. si Mirada po ay isa sa mga naging malapit na kaibigan ko mula nung ako ay nagsimula sa aking eskuwela. naging malapit po kami sa isa't isa, at di naglaon, magbestpren na ang turing namin sa isa't isa.

ngunit di naglaon, may biglang dumating sa buhay ko, sya po si Maralala, hindi po din nya tunay na pangalan. sya po ang babaeng nakaagaw ng aking atensyon. sya na malamang ang pinakamagandang binibining nakita ko maliban kay Maria Ozawa sa kanyang video. naging kaklase namin sya ni mirada sa ekonomiks class, na nagkataon naman na tuwing 7-9 ng gabi ito. gabi gabi, tuwing pagkatapos ng klase, magkakasama kaming tatlo kumain sa MCdunalds, naguusap ng kung ano ano.

nahulog ang loob ko sa kanya koya, nahulog din sya, sa kinauupuan nya nung inamin ko sa kanya yung tungkol dun. nagulat sha, nagulantang, tila di na maipinta ang mukha nya.

at inamin nya sa akin bigla koya, na sya at si mirada at mag-on na...walang po akong kamuwang muwang na ganoon na pala ang nangyari. sobrang sakit ng naramdaman ko, para bang trinaydor ako na parang hinde. para akong nadapa mula sa 10 floor ng isports compleks ng De Le Selle YOUniversity pababa hanggang sa ground floor sa harapan ng nagtitinda ng kwek kwek at yosi. sobrang sakit, gusto ko na mamatay koya.

pero kahit nagalit ako, pinilit ko pa din na pakisamahan sila dahil di ko naman mapipigilan ang damdamin nila para sa isa't isa...kaso, sa bawat araw na lumipas na magkakasama kami, sumasakit lalo yung nararamdaman ko, parang tinutuli ako araw araw...parang ganun. unti unti ko din nalaman kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni maralala sa akin nung umamin ako...

sya pala, sya pala...siya pala!!

puta!! diring diri sya sa akin! naririndi sya! dagdagan mo pa ng paninira ni Mirada na di ko lubos akalain na sa kanya pa manggagaling ang mga salitang iyon...

koya, walang wala na po akong mapagkatiwalaan...ano pong gagawin ko???? oh dyusko!!

*pare tagal mo tumagay puta!*

dear koya

Previous post Next post
Up