Apr 28, 2013 13:50
Pero ang kinakatakutan ni Sehun ay paano kung iwasan siya ni Jongin, maging awkward sila?
Sabi ni Luhan, “What the heck! Problema niya ‘yon. Kung ayaw niya mawala friendship niyo, hindi ka niya iiwasan at i-aappreciate niya yung feelings kahit na hindi niya mabalik feelings mo.”
Masakit man but Luhan has a point. Pero maraming iniisip na possibilities si Sehun. Paano kung hindi niya tanggapin? Paano kung pandirian siya? Paano kung sinabi niya tapos sinabi bigla ni Jongin na lumalabas na pala sila ni Kyungsoo? At marami pang ibang what if’s sa utak niya.
Gusto ni Sehun na matutulala na lang para mamatay na brain cells niya. Ayaw na niya mag-isip ng mga nega thoughts. Nagkaroon nga siya ng pimple (pero dinampi niya ng Celeteque acne remover kaagad) dahil sa mga pinag-iisip niya.
Wednesday came at napag-isipan ni Sehun na magpakilala kay Kyungsoo pero syempre through Jongin.
“Jongin, I want to meet Kyungsoo. Gusto ko malaman kung bakit siya type ng best friend ko. Baka nilululong ka lang niya sa pagiging cute niya.” Sabay tawa silang dalawa. May halong sakit yung tawa ni Sehun.
Lunch came and mixed emotions yung nararamdaman ni Sehun. Papalapit na silang dalawa sa canteen at kung ano ano ang mga pinagsasasabi ni Jongin tungkol kay Kyungsoo.
“Nako, Sehun. I guarantee you na mabait talaga si Kyungsoo.”
“And he’s really good in singing! He deserves to be called the star singer in our school.”
“Kahit puriin mo siya, ang humble pa rin niyang tao. Grabe.”
So on and so forth. Naiinis na si Sehun.
Mabait din naman ako ah. I’ve been with you through ups & downs. Naging ganon ba si Kyungsoo hah?
Bakit, marunong naman ako sumayaw ah! Never nga lang ako napansin ng school...
Aba! Marunong din ako mag-rap!
Never naman ako naging mayabang ‘a.
(talaga?)
“Sehun, ang cute niya talaga nakakapanggigil.”
Bwiset bakit hindi ako pinanganak na cute!
Dumating na sila sa table kung saan naka-upo si Kyungsoo.
“Kyungsoo!” Jongin called. Humarap si Kyungsoo nang naka-ngiti.
Ang cute nga niya, nakakainis.
“Hi Jongin! And I believe you’re Sehun!” Kyungsoo stood up and nag-offer ng handshake. Nakipaghandshake naman si Sehun.
“Hi.”
Umupo na sila sa table at katabi ni Jongin si Kyungsoo habang kaharap naman ni Sehun yung dalawa.
Naiinis siya sa sight na nakikita niya sa harap niya. Parang hindi siya masyado pinapansin.
Nakapangalumbaba sa la mesa si Sehun habang nakatingin sa mga ibang tao sa canteen. Nakita niya yung Chinese dabarkads na nakatingin sakanya. Nginitian niya yung mga intsik at nagthumbs up na lang sila kay Sehun.
Nakakainis wala naman siyang napansin kay Kyungsoo na stand-out kung hindi yung pagiging cute niya. Yun lang naman. Napagtanto din niya na type pala ni Jongin yung mga cute kasi yung naging serious crush niya na babae dati na gusto din ni Jongin ay cute din.
Nakng, kung pwede lang ididikit ko na lang mukha ni Kyungsoo sa mukha ko eh.
Napansin ni Kyungsoo na Sehun kept on letting out a sigh. He feels bad na hindi niya masyado pinapansin si Sehun. Ang problema, nahihiya kasi siya makipag-usap kay Sehun. Mukhang intimidating si Sehun. Parang pagkina-usap mo, maiinis siya. Pero he’ll give it a try.
“Sehun.” Tawag ni Kyungsoo.
“Yes?” Sehun lazily responded. Nawawalan nanaman siya ng gana. Nabwbwiset siya, hindi niya alam kung bakit.
Mas lalong naintimidate si Kyungsoo kasi parang hindi naman interesado si Sehun.
“Alam mo ba, maraming sinabi si Jongin saakin tungkol sayo.” Sabi ni Kyungsoo. He doesn’t know how to start a conversation. Kaya onti lang friends niya kahit marami may kilala sakanya.
“Oh?” lang ang sabi ni Sehun.
“Yeah, kagaya ng transpo ka daw niya pa-uwi tapos and bait mo daw sakanya tapos best friends daw kayo since 6 years old!”
Tahimik lang si Jongin nung sinasabi yon ni Kyungsoo. He’s observing Sehun. Parang nawawala nanaman ni Sehun.
“User si Jongin ‘e.” Sehun joked. Napatawa si Kyungsoo pero straight face parin Sehun.
Kroo kroo.
Biglang awkward silence yung table nila. Tumayo si Sehun sa table.
“Pupunta lang ako kela Luhan.”
“Uhm, see you later Sehun!”
“Sehun, I’ll talk to you later.” Sabi ni Jongin. Sehun just shrugged his shoulders and headed to the Chinese dabarkads’ table.
“Oh! Bakit ka nandito? Akala ko ba i-geget to know mo si Kyungsoo?” tanong ni Yixing.
“To be honest, hindi ko alam kung ano yung nakita ni Jongin doon.”
“Siguro may nakita si Jongin na wala sa’yo?” Tao said in a low voice and Sehun certainly heard it. Tao yelped dahil sinipa siya ni Luhan from under the table.
“Listen, hindi naman siguro dahil doon. Malay mo may ibang reason?” sabi ni Luhan.
“Ano pa ba yung reason? Tao said it right. May something siya na wala ako.”
Nalulungkot nanaman si Sehun. Iniisip niya kasi na totoo naman si Tao.
Nagagalit din siya kasi nagka-mali siya ng tao na nagustuhan. Hindi niya ito hiniling. Pero bakit si Jongin. Sana si Luhan na lang kasi mas naiintidihan siya o kaya si Yixing! Pwede rin si Tao! (Hindi niya masyado feel si Kris dahil madalang lang sila mag-usap, Kris is too much for him, yung level ng pagka pogi ni Kris, kakaiba).
“Huwag ka masyado mag-isip ng mga negative thoughts, you know what they say, “love never fails”,” Luhan said while patting Sehun’s back for assurance.
Napagtanto ni Sehun na slowly nagiging negative na siya. Pero hindi niya masisiguro yung sinabi ni Luhan. Some fail because it’s never meant to be.
Baka yun yung akin. It’s never meant to be.
Tawa na lang kaya ako.
Nakakaawa ako.
Tumahimik na lang si Sehun buong lunch time.
Dismissal time na at lumabas agad si Sehun dahil ayaw niya kausapin si Jongin pero dumiretsyo parin siya ng Ultra. Nung nakita niya yung Track and Field team bumaba ng coaster, umalis siya at tinext si Jongin.
Starbucks lang ako.
Jongin’s worried. Baka kung ano nanaman gawin ni Sehun na makakasama sakanya.
Hindi trip ni Sehun na hintayin si Jongin sa training niya.
Eto nanaman siya sa pag-inhale ng nicotine habang umiinom ng kape at nakikinig sa music ng cellpon niya sa labas ng Starbucks. Gusto lang niya mag-isip at mapag-isa.
Sana hindi ako na-fall.
Sana man lang na-fall ako sa babae.
Paano ba nagsimula lahat?
Dahil ba napansin ko yung kagandahan kay Jongin na hindi ko napansin dati?
BAKIT KO BA KASI NAPANSIN YUNG KA-POGIAN NI JONGIN (at kabutihan)?!
Bakit kasi ang gandang nilalang ni Kim Jongin?
At kung ano ano pa ang iniisip ni Sehun. Hanggang napunta sa kilig thoughts.
Paano kung umamin ako tapos sinabi niya na ako din? AY SHET.
Parang lagi siyang concern sakin.
What if ako na talaga yung ipampunas niya after training pakshet ka Jongin
Ano kaya feeling ng lab-
Naistorbo siya sa thoughts niya nang may naramdaman siyang umupo sa harap niya.
Si Kyungsoo.
“Hi Sehun! Nandito ka rin pala!” bati ni Kyungsoo.
Walang hiya.
“Hi.”
“Question lang, bakit parang… ang off mo sakin? Well, hindi naman ako nag-aassume na sakin lang pero by observing you like the way you talk to Luhan and friends at kay Jongin, ang saya mo pero pag saakin, ang… off lang?”
Hinga, Sehun.
Sadyang may mga straight to the point na mga tao.
Pagbigyan.
Naglagay ng panibagong nicotine si Sehun sa bibig niya at ni-lighter.
“Well, first of all, I’m wondering… why are you observing me? Medyo creepy lang, dude. And second, I still don’t know you that much? Give it time, pare.”
Medyo na taken aback si Kyungsoo sa sinabi ni Sehun. May ginawa ba siya kay Sehun para sabihin ‘yon sakanya? He just wants to be friends.
Nakakalungkot naman, napa-isip ni Kyungsoo.
Nagulat na lang si Sehun na may nagtanggal ng sigarilyo sa bibig niya.
“Sehun, nakaka-badtrip na. Seryoso lang talaga. Sorry, Kyungsoo. But Sehun and I need to go.”
“Ah, okay lang. Bye Jongin! Bye Sehun!”
Hinila siya ni Jongin palabas.
Kahit ganon ang trato sakanya ni Sehun. Nakangiti parin siya at nakita yon ni Sehun.
No wonder natipuan ni Jongin si Kyungsoo. Masaya siyang tao - carefree. Wala siyang pinoproblema na maliliit na bagay tulad kay Sehun.
Binigyan ni Jongin ng doublemint si Sehun.
Nakarating na sila sa kotse at umupo sa likod si Sehun, katabi ni Jongin. Tinext ni Jongin si Sehun:
Dude, bakit ka ulit naninigarilyo?! Ano sabi ko sa’yo na nandito naman ako? :-(
Naiinis lang ako na ang laki ng pagkakamali na ginawa ko.
At hindi ko pwede malaman? Sehun, I can’t take it anymore, seeing you so… off. Naststress din ako kasi you don’t say anything and it bothers me.
You want to know? Sa tingin mo kailangan mo malaman?
I’m bothered and na-fefeel ko na it has something to do with me.
So porket best friends tayo, tapos hindi ko sinasabi sayo, feeling mo involved ka?
We used to tell everything!
There are some things left unsaid, Jongin. You don’t need to know everything.
Oh, ganyan na pala tayo? Gusto mo ng ganito?
Napakagat ng labi si Sehun. Hindi gusto ni Sehun ‘to. Lagi na lang sila nag-aaway dahil sakanya. Akala niya na selfless siya pero selfish siya. Akala niya okay lang na gumawa ng moves si Jongin kay Kyungsoo para maging masaya best friend niya. Pero bros before hoes nga (pero hindi hoe si Kyungsoo. Kasabihan lang sa bro code) naman. Pero hindi niya talaga iniintindi yung feelings ng best friend niya.
Kahit anong gawin ni Sehun, hindi siya pwede tumakbo ng tumakbo. Sa huli, haharapin din niya lahat.
Baba tayo sa park.
“Mama, bababa kami ni Jongin sa park.”
“Alright, hunhun. Huwag lang kayo masyado magpaka-gabi.”
After a few more minutes in the car, bumaba sila ni Jongin sa park sa loob ng subdivision na tinitirhan nila.
Umupo sila sa swing at tahimik muna.
Napatawa si Sehun. “Jongin, naaalala mo yung unang away natin? Dahil hindi lang kita na-swing nagalit ka na.”
Tumawa na rin si Jongin. Na-mimiss niya yung hindi siya nag-woworry. Yung alam niyang walang mali.
“Naalala ko din yung naghiganti ako sayo, tinulak kita sa slide.”
Tumawa sila ng malakas hanggang sa tumahimik ulit. Walang nagsasalita sakanila. Sehun thinks na he should start.
“Jongin, alam mo ba yung feeling na it’s never meant to be?”
“Yeah, naramdaman ko na ‘yan… dati. But I don’t know, parang gusto ko mag-give up? But something inside me is telling me to wait.”
Oh.
“And I thought we used to tell everything.” Sehun emphasized on the word everything. This time lang nagtago si Sehun and he felt… hurt; well, not hurt pero nakakalungkot lang naman.
“It doesn’t matter, to be honest. Kaya nga it’s never meant to be.”
“So, I don’t have to tell what it is kasi it’s never meant to be: it doesn’t matter, Jongin.”
“So, bakit pa tayo nandito?”
Sehun chuckled.
Madaya.
“Tell me yours first. Since it really doesn’t matter, pwede naman siyang sabihin?”
Sana huwag ka na magsalita, Jongin. Ito na yung moment ko.
“You really want to know?” Jongin asked and raised his eyebrow.
Oo, shet. Sehun nodded his head.
“I had feelings for someone na I know it won’t work out naman.”
“May I know who i-?”
“You.”
IT DOESN’T MATTER?!
Hindi makaimik si Sehun. Parang naririnig lang niya yung tibok ng puso na sobrang lakas na kumakalabog sa dibdib niya. Hindi niya alam kung matutuwa siya kasi Jongin said, “dati.” Dati lang yon. Hindi sure ni Sehun kung meron pa ngayon.
Tangina mo, Kim Jongin.
Seryoso.
Naiinis ako kasi hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.
Matutuwa ba ako? Maiiyak? Malulungkot lang?
GUSTO KO SIYA SAPAKIN NG BIG TIME!!!!!!!
“… dati mo naramdaman yan?” tanong ni Sehun. Nakatingin lang siya sa sapatos niya.
“Not really. And if you’re asking if over na ako?” Napangiti lang si Jongin. Sa wakas, he felt light. May nawalang mabigat sa loob niya. Napatingin si Sehun sakanya.
Nagsimula lahat nung first year high school sila. Nakita ni Jongin na ang ganda ni Sehun in terms of everything. And the thing is, Kyungsoo knows. Si Kyungsoo yung unang naka alam nung pinapanuod si Jongin sumayaw si Sehun ng isang beses.
Ang flawless, ang ganda.
Sabi ni Kyungsoo na iba yung tingin niya kay Sehun. Ibang-iba. It was Kyungsoo who verified his feelings. Sinasabi lahat ni Jongin kay Kyungsoo. Kaya nung iniiwasan ni Sehun si Jongin, kay Kyungsoo siya lumapit.
At yung sinabi niya na gusto niya yung crush ni Sehun na babae ay kasi type lang niya and wala lang. Siguro naghahanap siya ng escape.
Kaya niya sinabi kay Sehun na type niya si Kyungsoo is he wanted to fall for Kyungsoo pero hindi niya kaya kasi Sehun is always there.
He was confused at first pero Kyungsoo made him see what it is to like someone. To love someone. And he became selfless kay Sehun.
Hindi alam ni Sehun kung ano mararamdaman niya at the moment.
Kakaiba. Lang ang nararamdaman niya.
“Your turn, Sehun.”
Tumingin si Sehun kay Jongin.
Hinga.
“Naiinis ako sa’yo, Jongin. You want to know why? Nababaliw ako and that’s it. That’s basically it. Nakaka-stress.”
Napanganga lang si Jongin.
Ano daw?
After my confession, ganito mapapala ko?
It’s never meant to be.
Gusto na talaga sabunutan ni Jongin si Sehun pero restrain.
“Please, Sehun. Please elabor-”
“I like you very much, Jongin.”
Hinga, Sehun.
“I really do. And it’s making me go crazy. I think you’re a very beautiful person as in hindi yung beautiful as in yung maganda pero you’re really beautiful. And everyday na lang, hindi ko alam gagawin ko pagka-harap na kita. Nakakabaliw.”
Hinga, Sehun. This is your moment.
“Kaya I avoided you, because I need to confirm my feelings. What if biglaan lang kasi ‘to? What if phase lang pala ‘to? But it’s not, Jongin. It’s not a phase. I just really like you, Jo-”
Napatigil siya ng nakita niya si Jongin sa harap niya, nakangiti na parang walang bukas.
“Kahit lalaki ka, ang daldal mo.” Jongin pinched Sehun’s cheeks and looked at him (nakangiti parin).
“Stop it!” Sehun swatted Jongin’s hands away from his face. He really felt light headed and he can feel his cheeks burning.
Tumawa na lang si Jongin and the next thing Sehun knows, he felt a pair of lips on his. He closed his eyes and kissed back.
Ayaw niya matigil yung moment na ‘to. This is their moment.
Suddenly, may na-feel si Sehun na nagvibrate sa pocket. Sehun pulled back and pulled out his phone from his pocket. Naiinis si Sehun. Si Jongin naman natatawa na lang sa reaction ni Sehun.
Ay pucha naman sino ba ‘to.
Lalong naiinis si Sehun. Inis na inis siya. Ayaw na niya magtelepono kahit kailan (oa ulit si Sehun alam niyang hindi siya mabubuhay ng walang cellpon).
“Tangina mo, Globe! Bukas, sunog lahat ng branches mo.”
a/n: akalain niyo, may pt. 3! hahaha oh well
anyway dapat matagal ko ta 'to pinost pero lechugas na internet
and yeay happy ending \o/
character: sehun,
pairing: sekai,
character: kai,
fic: isa akong tunay na lalaki!,
fic: tagalog