nakita ko ang mga concert goods ng Arafes, at sa unang tingin ako ay nagulat, kasi ang lahat ay orange.
nitong mga nakaraang buwan ako ay nagkaroon ng di maipaliwanag na bias para sa kulay na orange. kung kaya't ang natural na reaksyon ay ang kagustuhang magkamit ng mga concert goods.
isang buong araw na pinanatili kong nakabukas ang page na may larawan ng mga t-shirt, bag, poster, uchiwa, pin badge, penlight, clearfile at towel. may isang araw ako para makapagdesisyon at ginamit ko ang buong araw na iyon. hindi ako nagmadali. di katulad ng dating ginagawa ko.
noong una, gusto ko ng t-shirt, pero pag naaalala ko na magmula ng binili ko ang BW shirt nagamit ko pa lang ito ng isang beses (dahil ito'y hindi kasya sa akin) ako ay nag-alangan.
gusto ko ng pin badge pero sa palagay ko ay madali itong ipa-kopya. mas gusto ko kung kamukha ito ng pin badge noong Scene Tour.
nangongolekta ako ng mga shopping bags ng Arashi, pero di ako na-impress sa disenyo at materyales ng bag ngayong taon. aaminin ko, sa aking paningin kamukha ito ng makintab na sako ng bigas. na may insulation sa loob.
hindi ako nasanay na walang phone strap.
talagang nakakagulat na ako ay hindi nahikayat na bumili ng kahit ano, gayong si Aiba ang nagdisenyo ng mga ito.
paumanhin, Aiba.
kung sakali mang magbago ang aking isip, sigurado akong may mahahanap akong taong nagbebenta ng goods sa LJ. haha.
pero sa ngayon, ang aking pitaka ay siguradong proud sa akin.
PS: i made it so that it will make (almost) perfect sense on
Google Translate. try it for fun, lol.