Oct 15, 2009 03:59
so remember nung after bumagyo nabanggit ko na may ineexpect akong at least dalawang package?
take note, registered mail ang mga ito (hindi EMS).
dumating yung mga notice nung Tuesday.
pumunta ako ng Wednesday afternoon, bago sila magsara.
pagpasok pa lang kinabahan na ako ng bongga pare, kasi dati-rati kahit may ibang tao sa loob nung parcel room papapasukin ka pa din pagdating mo.
pero this time, nooooo. isa-isa lang. maghintay sa labas ang huling dumating.
pagpasok ko, yun pala imbes na isang post office employee lang ang dadatnan mo, TATLO na sila ngayon. tantsa ko yung dalawa eh taga post office, tapos yung isa eh yung taga customs.
so ayan na, kinabahan na ako ng bongga. yung last package ko kasi through registered mail, noon pang May, galing ng YesAsia.. tapos tandang-tanda ko na noon, yung dabarkads kong post office employee (tawagin nating ATE 1) eh binalaan ako, na kesyo "sa susunod baka may tax na itong mga CD mo" (tatlong CD yung nasa isang package non). since 2008 siya ang nakikita ko sa PO lagi at palaging 35 pesos lang ang binabayaran ko sa kanya...
BUT NOW. wala na sa office si ATE 1. may pumalit na. tatlo sila. dalawang ATE at isang LOLO.
so, binayaran ko yung usual na 35 pesos per package na parcel fee.
akala ko paliligtasin na ako, BUT WAIT, THERE'S MORE... yung isang package na walang declared value, pinalampas.
eh kaso yung isang package, na halos ipamigay na lang nung LJ seller, may 30 British Pounds na declared value. (nosebleed. ang mahal kaya ng British Pounds, huhu)
eh ayun na nga. napuno yung isang 1/4 sheet ng intermediate pad paper ng mga kalkulasyon ni LOLO. suma-total, na tax ako ng 1108 pesosesoses. lakas loob kong tinanong kung pano nya na calculate yun, haha. 515 pesos = import tax at documentary stamp pa lang, plus yung VAT na based dun sa declared value. O___O muntik ako maiyak e. hindi ko na itinago sa kanya yung pagkagulat... talagang yung mata ko lumaking parang ewan. >___< sinabi ko sa kanya na hiningi ko na nga lang yung CDs eh (totoo naman, halos libre na yung mga yon e). tsumismis pa si LOLO na kesyo galing daw ba sa boyfriend ko hahahaha WHAT THE EFF.
anyway, so ako naman, no choice. buti na lang hindi na-tax yung isang package na walang declared value kasi mas importante sakin yun, at sa totoo lang, mas mahal ang value non, bwahahaha. pikit mata kong iniabot ang 1.5K kay LOLO. sabi ko pa, "no choice yata ako nito sir eh"
dito dumating ang mga guardian angels kong sila ATE 2 at ATE 3. tutal daw pauwi na sila, tawaran ko daw. masyado daw kasing malaki yung babayaran ko. (kitams, maski sila, alam yon). so ako naman, sige, why not. try ko lang kumuha ng sympathy vote. ROFL.
umubra naman. ibinalik ni LOLO yung 1K ko... hindi ako niresibuhan. so alam na siguro natin kung kanino mapupunta yung 500 pesos ko, diba?
hay naku, akala ko sa EMS customs lang nangyayari ito... akalain mo, nag spread out na ang operations nila maski sa local post office. dahil ba sa Pasko? o dahil eleksyon na next year?
guys, ingat... paano na yung My Girl natin? ;~; pati yung mga bibili ng All the BEST CLIPS? mapa-HMV or YesAsia or Play Asia, mukhang walang kawala... DARN.
tanginang 'yon,
shopping,
issues