(no subject)

Sep 02, 2004 21:01

i cut my ENG 1 class today to watch the UP vs. ADMU game. this was very hard since i really wanted to attend kasi i've been making great strides with my crush... (a story that will be told some other time)

oo, kulay tae ang dugo ko pagdating sa mga iskwelahan kasi halu-halo na. merong berde, asul, at maroon. ngunit sa araw na ito, nanaig ang kulay maroon. matibay na ang aking loob sa aking iskwelahan ika nga nag-shift na ang loyalty ko.

ang sarap manalo grabe... ang sarap mag cheer na mga cheer na masagwa basahin ngunit maganda at totoo kapag isinigaw. "matatapang, matatalino, wlang takot kahit kanino, hinding-hindi magapaphuli... ganyan kmeng mga taga-UP."

oo, aaminin kong hindi ko kabisado ang anthem ng UP... pero talagang naramdaman ko tlg ang pagka-isko ko kanina... ang aking pagiging "pag-asa ng bayan." << galing sa lyrics ng UP anthem. haaaaay... napakasarap, kung i-cheer ko man ang Ateneo ito ay dahil hindi nila kalaban ang UP pero pag ang dalawang kupunan na ito ang nagbanggaan, win or lose UP ako.

UUUUUUUUUUUUUUUUUnibersidad ng Pilipinas!!!!!!!
Previous post Next post
Up