The Girlfriend that Wasn't

Aug 11, 2009 08:09

May girlfriend daw ako at dapat ipapakilala ko siya sa tatay ko. Typical elitist slash edgy ganda na payatot, matangkad, short hair at dressy dress. Umakyat ako sa pinakataas na floor ng mall dahil nandun doon ang opening ng kanyang bagong restaurant at art exhibit. Pagdating ko doon, niyakap niya ako at inintroduce sa ilang mga kaibigan niya. Tinanong ng isang kaibigan kung ka-anu-ano niya ako. Girlfriend ba daw niya ako? Tumawa siya, oo daw. Pero gusto ba daw nilang makilala ang boyfriend niya?

At doon ko nalaman na break na kami.

Umeskapo na ako ng dalhin ng pumasok siya sa kitchen. Bumaba ako sa ground floor at hindi nakatakas sa tatay ko na kasama ang kapatid ko. Tinanong niya kung saan na daw ang ipapakilala kong girlfriend. Sabi ko may inaasikaso sa top floor. Sabi niya, baket, hindi ba siya sumama sa burol ni cory?
Previous post Next post
Up