mga bagay-bagay na walang patutunguhan..

Mar 19, 2005 22:43

my parents are both half-chinese (Go - Yu), and spanish. i grew up with relatives from YU's side..and they are very strict, prim and proper..DISCIPLINE is the most vital thing in the family..
i can still remember the old times..kung papaano nila kami pinalaki..nung time na yun ako ang pinakabunso sa lahat ng magpipinsan..grabeh ang disiplina sa amin nun..sa bawat pagkakamali na nagagawa eh talagang may punishment..namana nila yun sa yumao kong lolo (Yu Ti Tan)..kasi nasa kultura na ata ng mga chinese family ang magkaroon ng mga masusuurin at disiplinadong mga anak/apo..
ang higpit talaga nung kabataan ko..konting pagkakamali lang eh sinasaktan ka na..dahil sa sakit na mararamdaman mo..kahit papaano magdidiscourage sa iyo yon na gawin muli ang hindi dapat..kaya ganon nalang siguro ang naging impact sa aki..lumaki akong suplada at mataray sa mga tao..lumaki akong pinaniniwalaan na ako ay mahirap at walang kaya at nag-udyok yon sa akin na maging masinop in short isag malaking OC at KURIPOT..natanim din sa aking isipan na ako'y chinese at hindi pilipino..kaya siguro hanggang ngayong dalaga na ako at may isip..palagi kong nalalait ang mga maling gawain ng gobyerno ng pilipinas..

lumaki akong mulat sa balita at sa mga nangyayari sa paligid..simula pa eh tutok kami sa telebisyon..at palagi ko na lang nakikita ang korupsyon, at mga maling gawain ng mga pilipino..at sa katagang.."pilipino talaga kahit kelan.." wala akong hinanakit sa mga pilipino..dahil kahit papaano eh may mga 30% pa namang dugong pilipino ang nananalatay sa katawan ko..pero dahil sa ganong disiplina at paniniwala ang kinalakihan ko..eh maaaring hindi ko na iyon kailan pa maaalis sa akin..

sa pagdaan ng panahon..ang ganoong disiplina ay nakalimutan na ng pamilya namin..ako ata ang huling biktima nung ganoong pangyayari..na kahit ikaw na ang nadapa at nasaktan eh ikaw pa rin ang may sala..
naalala ko lang dahil eto ngayon..ang bunso kong kapatid..sobra sa lakwatsa at pagsisinungaling..sya'y 11-anyos lamang pero matinik kung magpalusot..nabuking sya ng papa namin ngayon..hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o maaasar..naririnig ko ang iyak nya at luha..pero di ko magawang awatin ang aming papa..kasalanan nya yun..at naiinis ako dahil sa murang edad nya eh nagagawa nya na kaming lokohin..para syang ung mga kamaganakan ng mama ko (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)..naghirap kami dahil sa panloloko nila..isinanla nila lahat ng ari-arian namin sa probinsya..may sakit nuon ang aking mama..at ang dapat na pinagkukunn naming negosyo ng bus eh ibenenta na ng kanyang mga kapatid na hayok sa salapi..naranasan namin ng matinding kahirapan nuon at sa awa ng butihing Diyos eh nakakaahon na kami ngayon..sila naman ang nagdurusa..tunay nga na patas pa ang mundo sa tao..

naisip ko lang..sana napagdaanan din nila ung disiplinang napataw sa aming magpipinsan dati pa..sanaa kung ganoon eh hindi sila ngayon namomoblema sa mga pag-uugali ng mga nakababata kong mga pinsan..
ang daya talaga..ngayon naguguluhan ako..di ko alam kung tutulugan ko ba itong kapatid ko..eh sya ang may kasalaan..maswerte nga sila at di nila napagdaanan yon..
tapos inaabuso pa nila ang pagtitiwala sa kanila..eh samantalang dati kailangan mo pang mapanalo ang tiwala ng mga tao sa iyo..

ewan..matutulog na nga lang ako..
bukas mamamalimos pa ako ng pang tuition ko sa AIRDANCE..at magbabasa na ako ng DA VINCI's CODE..

ayan..badtrip na si papa..paano ko pa masasabi sa kanya ang mga dapat kong sabihin..
gaya na lamang..na ayoko kong mag-debut..kasi si papa akala nya siguro naiingit ako sa mga kaibigan at pinsan na nagkaroo ng engrandeng kasiyahan sa kanilang ika-18 kaarawan..
hindi ko naman kailangan ng magarbong salo-salo..
at hindi ako naiingit..
baka mga pinsan ko pa ang mainggit..sa oras na malaman nilang ang laan na pang-gatos sa debut ko eh..ibibili ng kotse?!
bwahahaha..
katwiran pa nila.."eh minsan ka lang naman mag-18?!"

sabi ko.."eh minsan ka rin lang naman mag-19, 20, 21, 22...etc"

pahabol pag katwiran ng pinsan ko.."eh kasi pag 18 ka na pwede ka ng magka-boypren"

sabi ko.."baliw..eh 15 pa lang ako alam ng may boylet ako..palibhasa ikaw hindi.."

wala lang magawa...........
Previous post Next post
Up