Pamagat: Blissful Blessed Birthday Boy Yuma
Nilalaman: Nakayama Yuma x OC
Dyanra: Fluff
Ebalwasyon: PG-13
Mensahe ng May-akda:
fail ulit. minadali. salamat sa nagsayang ng oras para basahin to. OTANJOUBI OMEDETOU, NAKAYAMA YUMA!!
NP in my mind: Garasu no Mahou by Nakayama Yuma
Buod: mas maganda kung basahin niyo na lang. peste fail nga ung fic ano pa yung buod
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Hingal na hingal at pawis na pawis na si Yuma ngunit patuloy pa rin ang kanyang pagtakbo at hindi tumigil ni isang segundo sa pagtahak ng daan patungo sa kanyang paroroonan, hanggang sa maramdaman niya ang malakas na ihip ng hangin, marinig ang hampas ng alon sa dalampasigan at... makita ang taong dahilan ng kanyang pagpunta.
May ilang metro ang layo mula sa taong ito ay saglit siyang nagpahinga; ayaw niyang mahalata ng kanyang katagpo ang pagod, higit sa lahat, 'yung sobrang pagkasabik, na siyang dahilan kaya itinakbo niya ang sobrang layong karagatan mula sa eskwelahan kahit may bus naman.
Maya-maya'y nilapitan niya ang taong ito. "Hello," (A/N: pagpasensyahan niyo na kumakanta lang po siya ng Hello~Paradise Kiss~ XDv) na pinipilit itago ang pagkahingal sa kanyang tinig.
Tumingin sa kanya saglit ang babaeng nakaharap sa dagat at halatang nag-eenjoy sa pagdama sa hangin. "Hello." (A/N: Duet sila ni Yuma. Pero hindi po YUI ang pangalan ng babaeng ito. XD)
Nahihiya man ay tinanong na ni Yuma, habang hawak ang isang maliit na papel na may maikling mensahe mula sa babae, "Umm, nasa locker ko to. Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"
"Masaya ka ba?"
"Masaya na...?" tanong ni Yuma, full of curiosity.
"Masaya na pinapunta kita dito?"
Hindi na naitago pa ni Yuma at tuluyan na siyang nangiti. "Oo. Masaya. Masayang-masaya kahit di ko pa alam kung ano talaga'ng ipinunta ko dito. Basta ikaw."
Saglit na tumahimik muna at pareho nilang dinamdam ang malakas na ihip na hangin at ang kanilang mga uniporme na kapwa pumapagpag sa kanilang mga katawan. Maya-maya pa'y muling nagsalita ang babae. "Naalala mo ba... sa lugar na 'to... dito ka umamin sa'kin."
Tumango si Yuma. "Hindi ko 'yon nakakalimutan. Kahit kailan, di kita nakalimutan."
Tumawa ang babae. "Malamang naman ano. Magkaklase lang tayo, paano mo 'ko makakalimutan nang ganoon lang kadali, e araw-araw tayo nagkikita sa school? Wala pa ngang isang taon ang nakalipas e."
"Ang nararamdaman ko sa'yo... iyon ang tinutukoy ko."
Napatingin sa kanya ang babae na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. "Alam ko 'no, ikaw naman, binibiro lang kita. Ganyanan na ba 'pag binasted ka?" at natawa ulit siya.
Natawa na rin si Yuma. "Hindi naman. Nililinaw ko lang."
"Mukha ka talagang isda. "Wag ka ngang ngumiti, nae-emphasize ung pagka-isda-look-alike mo e."
Ito namang batang masunurin na si Yuma ay bigla ring sumimangot bago napareak. "Aray a? Hindi mo naman siguro ako pinapapunta dito para lang sabihan ng ganyan?"
Tumawa ulit ang babae at humarap uli sa dagat. "Pero ikaw ang isda na gusto kong hulihin."
Nagtaka si Yuma. "Para kainin?"
"Ikaw nagsabi niyan, hindi ako." At patuloy pa siyang natawa. "Ilalagay ko sana sa aquarium."
"Grabe ka naman. Dekorasyon ba?"
"Bakit? Ayaw mo ba? Alam mo na ba kung para saan?"
Napatitig tuloy si Yuma nang matagal sa kanya. "Para saan nga ba?"
"Diba ang isda, 'pag nilagay sa aquarium, inaalagaan?"
Hindi sigurado si Yuma kung tama ang kanyang pagkakaintindi sa sinasabi ng babae ngunit pakiramdam niya'y biglang tumalon ang puso niya. "Oo."
"Ngayon, ayaw mo ba nun?"
"Ummm... basta ba ikaw ang huhuli sa'kin at maglalagay sa aquarium."
"OK." At lumapit sa kanya ang babae.
Namumula at hindi malaman ni Yuma ang gagawin nang makitang papalapit sa kanya ang dalaga. "Aoi, ano nga ba talaga ibig mong sabihin?"
Tumigil sa paglapit ang babae. "Naalala ko lang nung araw na iyon, hinarana mo pa 'ko."
Nagtataka pa rin si Yuma sa mga sandaling iyon ngunit hinayaan niya lang ang dalaga na magkwento.
"Ang totoo, nagulat talaga ako. At nahihiya. Naisip ko, 'bakit ikaw pa sa dinami-rami ng lalaki? Bakit ikaw pa na tinutuksong isda-look-alike?' Kaya kahit di ko pa napag-isipan nang husto, bigla na lang kitang hinindian sa harapan ng mga kaibigan ko."
Napalunok na lang si Yuma sa narinig.
"Pero ang totoo nyan... natunaw ako sa boses mo. Pero hindi ko masabi sa'yo kasi ayoko namang isipin mo na boses mo lang pala ang nagustuhan ko. Pero..."
Sasabog na yata ang puso ni Yuma. Hindi na niya mahintay pa ang punto ng babae. "Pero ano, Aoi?"
"Pero... Ano ba'ng magagawa ko? Simula nang araw na iyon, hindi ka na maalis sa isip ko. Simula nang araw na iyon na inawitan mo ako." At natawa nang may halong hiya si Aoi.
Parang nabalot nang tanong ang buong isipan ni Yuma. Bakit? Bakit? Bakit ito sinasabi ngayon sa'kin ni Aoi?
Nagsimula ulit maglakad papalapit kay Yuma si Aoi at tumigil at kinuha ang kaliwang kamay ni Yuma. "Ano? Sigurado ka ba'ng pwede kitang ilagay sa aquarium ko?" At inilagay ang kamay ni Yuma sa ibabaw ng kanyang kaliwang dibdib. "Ikaw lang ang tanging isda na nabigyan ng pagkakataong magdecide kung magpapahuli ka o hindi." At inilapit ni Aoi ang kanyang mukha at idinampi ang maninipis na labi nito sa labi ni Yuma.
WOW! HAPPY 18TH BIRTHDAY TO ME!
Nagising si Yuma nang maramdamang may dumampi sa kanyang mga labi. Pumapasok na ang sikat ng araw sa kwarto at nararamdaman niyang isa itong napakagandang araw para sa kanya. Ngumiti siya nang makita ang pinakamahalagang tao sa buhay niya sa kanyang pagdilat.
"Good morning," malambing na bati sa kanya ni Aoi.
"Good morning din. Ano'ng breakfast?"
"Fish fillet," na sinabayan ng isang wagas na ngiti.
"Grabe a. Kailangan ba talagang i-bully ako sa mismong araw na 'to?"
Natawa si Aoi. "OK lang 'yan. Nasa aquarium ko naman ikaw e." At hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Yuma at nagbanggaan ang dalawang nagkikislapang bato mula sa kanilang mga daliri. "Happy birthday, Yuma."
Nangiti si Yuma. "Salamat."
May kinuha si Aoi mula sa bulsa ng kanyang damit-pantulog at iniabot kay Yuma. "Ito o, gift ko sa'yo."
Kinuha ni Yuma ang regalong iyon na hindi man lang nakabalot na isang parihabang puting bagay. Hindi maipaliwanag ni Yuma ang sobrang saya sa nakita niya. Naluluha na siya sa sobrang saya.
"Happy 10th Anniversary din pala sa'tin, Yuma. Sa wakas, madadagdagan na ng isa pang alaga ang aquarium ko."
~おわり~