Feb 14, 2007 06:01
Mula sa isang sulok ng silid-aralan ay tanaw na tanaw ko ang hiwaga. Hiwaga kung bakit ako pumapasok sa eskwelahan araw-araw.
Walang kwenta man isipin, di naman ako makapag-pigil sa aking damdamin. Mabait naman akong tao, di naman ako nanakot. Ang masaklap lang n'yan ay torpe ako.
Pinagmamasdan ko siya habang nagsusulat, pinanunuod ang bawat kilos, at tinitingnan ko ang kanayang mga mata.
Masama na talaga na talaga ang tama ko sa kanya. Di bale, aayusin ko na ang sarili ko. Pero di ko lubusan isipin kung gaano s'ya kahinhin. Mahiyain s'ya, tahimik. Pero kakaiba s'ya, unique kung baga.Yun nga lang, torpe talaga ako. Mahiyain tulad niya. Kahit ano na lang ang payo na ibnigay sa akin ng mga kabarkada, wala pa din. Ang hina ko talaga!
Araw-araw nalang ganito, hinihintay ko pa s'ya sa kantin.Nagbabaka-sakaling makausap ko s'ya. Wala pa din.
Naghihintay ako ng himala mula sa taas para kunin na ako ni Lord, wala pa din.
Isang araw sa klase ng P.E., kampanteng-kampante akong pumasok sa gym. Nakaheadset, pinakikinggan ang mga tugtugin sa MP3. Pagbaba ko ng bag, at paglingon ko, laking gulat ko ... kaklase ko s'ya sa P.E.!
Palapit na lamaang papunta sa uupuan ko nung ...
"Lopez."
"Ma'am?"
"Magcheck ka ng attendance."
Patay! eto na nga ang masaklap. Ako pa'ng pinagcheck ng attendance!
"Twenty-two, Romualdez. Present."
"Twenty-five, Santos. Present."
Nabanggit ko ang apelyido nya! Pero natatawa ang mga kaklase ko, pati s'ya ... bakit kaya?
"Lopez!"
Eto na nga, kalase ko ang lumapit. Ano kaya nakakatawa sa ginawa ko?
"HAHAHA! Lopez, patawa ka!"
Napatingin ako sa kanya na animo'y alien s'ya na naligaw.
"Eto ha: twenti-fur, twenti fayb... HAHAHA!"
Ayun na nga. Katawa-tawa nga ako. Eh ano naman ang masam dun?!? Pasensya na't taga-Calamba ako eh. Dyahe talaga...
Mas dyahe naman 'to: pinagtatawanan ako ng crush ko. Ang laking dyahe talaga. Parang wala na 'ata akong mukhang maiharap sa kanya.
**
**
Hinintay ko ang tatlong oras para matapos ang P.E.. Uwing-uwi na talaga ako. Di man lang ako pansinin ng crush ko.
Lumipas ang mga araw at wala pa ring nangyari. Paikut-ikot ako sa eskwelahan, paupo-upo sa bench at naglalaro ng PSP. Hinihintay, iniisip, pinagmamasdan ... lahat na lang pwede kong gawin. Dumating na lamang sa isang araw na napagod ako sa kakahintay. Tumayo na lamang ako para maglakad palabas ng Dapitan gate. Uwin-uwi na ako't nagmamadali ng biglang ...
BOOG!
Bumagsak ako nang may tumama sa ulo ko. Minabuti kong bumangon habang minamasahe ko ang gilid ng ulo ko nang may sumusugod sa'kin. Naka-medyos na mahaba at football shoes.
"Ay sori! Sa'n ka natamaan? D'yos ko, sori talaga! Dadalhin kita sa clinic! Sori talaga! Di ko sinasadya--"
Panay ang sorry n'ya. Halatang alalang-alala s'ya.
"Oks lang. Ayos lang ako't--"
Crush ko ang kausap ko ngayon! S;ya nga! S'ya pala ang nakatama sa'kin!Kumakabog-kabog ang puso ko ngunit di ko magawang isigaw ang aking nararamdaman -- nasa gitna kami ng football field.
Napatawa nalang ako habang nakayuko. Halong hiya at takoy at pag-aalinlangan.
“Wag na, okay lang ako,” wika ko.
Umalis na lang ako nang nakayuko pa din. Di ko na s’ya tiningnan.
**
Noong gabing iyon ay natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa bintana (a la “The Day You Said Goodnight” ng Hale). Nakatitig sa langit. Nagsisi kung bakit pinabayaan ko s’ya…
Tinulungan na nga ako eh…tanga-tanga ko! Pagkakataon ko na sana!
Naramdaman ko na lamang na may luha na ako sa mga mata.
**
Hmm. Bagong araw, panibagong pagsubok, ‘ika nga.
Hinarap ko ang buong araw nang buong tapang at walang iniisip kundi ang pupuntahan kong mga klase, mga dala kong materyales at mga iguguhit ko. Normal naman na dumaan ang mga araw. Walang namang nangyari.
Walang nangyari.
‘Di ko man lang s’ya nasilayan.
‘Di ko s’ya nakita.
‘Di ko man lamang napansin!
Nasaktan ko ‘ata s’ya.
**
Dumaan ang mga araw na di ko s’ya nakita. Walang akong babae na nakita na naka-headband na red. Na naka-clip na green. Na maikli ang buhok. Na naka-football gear.
Naglalakad lang ako mag-isa sa Lovers’ Lane. Tinitingilaan si Santo Tomas.
“Saint Thomas, ano naman kaya po ang payo n’yo sa’kin? Problemado ako eh. May gusto po akong babae. Maganda s’ya. Mabait. Matagal na po akong naghihintay ng tamang pagkakataon. Kelan kaya yun? ”
Oo nga pala. Rebulto ang kausap ko. Di naman yan sasagot yan eh.
“Ay, may assignment pala kami sa Theology!”
Kinuha ko sa bag ko ang bibliya. Nagmamadali. Ayokong gumawa sa dorm, aantukin lang ako eh.
Paglabas ng bibliya mula sa bag ay may nahulog na papel mula sa loob ng libro. Alam ko naman na wala akong nilalagay na notes dito. Pinulot ko ‘yon at binasa.
Maghintay ka lang. Oks?
**
Tanghali. Sa kantin. Mabilis akong tumakbo papuntang order lane para umorder ng lunch ko. Dali-dali akong pumila…dali-dali akong nakipag-siksikan sa mga tao-tao. Gutom na gutom na ako!
Lumipas ang ilang minuto at nakapag-order na ako ng paborito kong kare-kare at porkchop. Pinuproblema ko naman ang uupuan. Jampacked ang mga tao!
Naghahanap ako ng mauupuan hanggang sa maisipan na maki-share na lang. Dyahe naman…
“Miguel!”
At sino naman yun?
“Dito ka na lang. Wala akong kasama eh.”
Nilunok ko ang aking laway. Totoo ba ito?
“Hi!” sabay ngiti n’ya.
Napangiti din ako. Di ko ma-contain ang kasiyahan ko.
“Salamat Santo Tomas, sinagot n’yo ang prayers ko!” wika ko sa sarili ko.
**
Sorry if the story is sorta fast-paced...:( please comment after reading. Thanks!
short story