Aug 21, 2008 19:36
Mainit nanaman ang ulo ko. Kung hindi ba naman katangahan at kalahati.
May pumasok akong customer dito kagabi, magpapagawa ng "research". Guess what kung ano pinapagawa niya.
Summary of El Filibusterismo and Noli Me Tangere lang naman.
Take note, pangatlong beses na niyang pumunta rito. Yung unang beses magpapa-gawa ng research tungkol sa Region 11. Okay lang, kasi may Wikipedia naman diba.
Copy paste ang ginawa ko tapos inayos ko na lang yung paper. Tulad ng pag-tanggal ng hyperlink, justified ang paragraphs...
In short, lahat ng natutunan ko kay Doctor Tomas nung kolehiyo ako na kung ano dapat ang itsura ng presentable na paper.
Pangalawang beses na nagpunta siya dito, nanay ko ang humarap sa kanya. Guess what kung ano naman pinapagawa niya nung panahon na yon? "What are the benefits of reading?"
Hiniritan siya ng nanay ko "Iho, bakit kailangan i-asa mo pa sa ibang tao yan. Sa totoo lang, pwede mo naman masagot yang tanong na yan diba?"
Yan ang nanay ko. Noong naimbento ang salitang "maldita", picture niya ang katabi nung definition.
Siguro isa sa mga itatanong ninyo sa akin "Eh bakit naman kasi tumatanggap ka ng ganyan?"
Simple lang ang sagot diyan mga kapatid.
Nakalagay kasi sa signage ng shop (eto yung may pangalan ng shop na naka-sabit sa labas, gawa ito sa salamin at hindi na pwedeng palitan dahil malupitang gastos yun) na isa sa mga service na ino-offer namin dito is "research".
Balik tayo kay El Fili boy.
Nagawa ko yung paper niya in a span of 25 minutes. Oo copy paste siya pero inartehan ko. Tutal kung mabisto naman siya ng teacher niya sa plagiarism, hindi naman ako ang malalagot eh. SIYA.
Eto lang kinaiinisan ko sa mga tao dito eh.
Ang iniisip nila eh kailangan bonggang-bongga ang mga project/reaction papers nila. Pero hindi naman. Kailangan mo lang naman ilagay doon yung pagkaka-intindi mo at maski simple lang ang sagot eh konting pag-elaborate lang naman ang kailangan, solb na.
Hindi ako nag-mamalinis.
Noong nasa kolehiyo ako eh gumawa rin ako ng copy paste na project. Pero hindi yung isang buong website ang sinalpak ko sa blankong word document, inedit-edit ko naman depende sa pagkaka-intindi ko. Malaking kagaguhan naman kasi kung ipapasa mo copy paste tapos kapag tinanong ka tungkol dito, bistado ka naman. Wala kang niloloko kung hindi sarili mo.
Ang nakakatawa pa, bumalik ulit si El Fili boy. Nag-rent ng pc. At nagpa-print ulit. Ang tanging ginawa lang niya para sa paper niya ay yung front page. Magaling na bata. Malayo ang mararating mo niyan.
Anyway, kaya ko lang naman tinatanggap ang mga ganyan dito eh naisip ko lang na imbes mabwiset ako sa naaaaapaka-raming mga tamad na tulad nila, eh pagka-kitaan ko na lang sila ng pera. Dagdag kita rin yon sa negosyo ko.
rant and bitchings,
business,
retard encounters