Mar 06, 2006 19:36
Noong isang araw, habang ako'y nakikinig sa mga musika ng bandang Anberlin (oo mga tsong, imo nga ako.), hinuli ko ang sarili kong nagmumunimuni. Mga kaibigan, isang munier ako. Napaisip ako kung ano nga ba talaga ang tungkulin ko sa mundong ito. Kung meron bang silbi ang buhay ko at kung nararapatdapat akong mamuhay pa. Dahil dito, lalo pa akong nalito.
Ngunit noong tiningnan ko ang loob ng aking puso, huminto ang paghahanap ng sagot sa mga tinatanong ko. Ito ay nagtama sa akin na parang isang trak…
Nalaman ko na ang aking tungkulin sa buhay. Ito ay ang pagbukas-isip sa mga ignorante sa ating lipunan, kagaya sa inyo. I-enlayten ko kayo sa pamamagitan ng mga susunod kong poste. Basahin n’yo lang ito para mahanap rin niyo ang iyong tungkulin.
Ito ang simula ng aking pilosopiya ng buhay…