DISCMAN
“eto ang unang araw na, wala ka na…” ß linya sa unang araw ng sugarfree
pagmamahal? Bakit nga ba kailangang mas masaya kung sa tao mo yan ibabaling? Bakit hindi na lang sa mga simpleng bagay lang. Gaya ng ballpen at papel, ng isaw sa kalye, o… gaya nitong discman na hawak ko, wala pa rin talagang tatalo sa musika. At least kung sila’y lilisan, may kapalit, di nawawala.
‘bitter ka lang!’ kaaway ko na naman sarili ko. Pero tama, kabibreak lang namin ng akala ko’y mapapangasawa ko na, a ewan, kahit sarili ko, ayaw kong sabihan ng details kahit na alam ko nasa sulok lang siya ng aking memory, I’m finding ways not to permit my brain not to think, sana ma-erase na. Kaya naman paulit ulit na naman ang kantang yun ng sugarfree sa discman ko.
unang araw ng klase. Sabay nito, ang bago kong get up. Bukod sa chaka taylor at kurduroy kung pantalon, ayan may pandagdag volume, ang discman ko. ‘ang iingay tlaga ng mga ‘to’. Kausap ko na nman ang aking sarili. Andito ko sa lobby, kumakapal na naman mga tao, kilala ko ang ilan. Nagkakamusthan akala mo kung ilang taong nawala. Buti na lang hindi pa max volume nito, beh! Loner tlaga ako, ma feeling nga eh, bago makipag sosyalan, dapat ako ang unang lapitan. Naku, may mga parating pa, haay.
“eto ang unang araw na, wala ka na…”
naisipan ko ng sabayan si Ebe. Max na kasi ang volume nito eh. Para kahit kunti, wala akong marinig, if i know puro tsismis lang yan. ‘sugarfree ba yan?’ nakakainis, nagulat pa ako mula sa aking pagkakayuko. Nakakainis ang babaeng to, mag ta transform na sana ako bilang si Zim at makabuo na ng plano para tapusin ang maiingay na to. Ang lakas naman ng pandinig nito, o talagang malakas lang ako sumabay sa koro. ‘oo’. Tangi kong sagot. Sinabi ko ng ayoko tlaga sa sosyalan no? ‘pwedeng hiramin, sige na pls?’ siya na naman. Nakakainis, nagulat uli ako sa muling pagkakayuko. Ang kapal naman, ni hindi pa niya ko kilala. ‘saan ba room mo? Baka magka klase tayo, balik ko din agad.’ Ang kapal talaga. Naisipan kong ituro ang maling room, haha, galing ng plano no. nakangiwi kong itinuro ang 405 gayong 407 ako. Sa dami ng room dito, hindi ka sa 405 sigurado. Muli ako’y yumuko. ‘ah tlaga! Magka klase nga tayo!’ Nakakainis, sabi ko na 403 ituturo ko eh. ‘kung hiniram mo to, kunin mo na rin tong discman, yan lang dala ko eh, ano?’ galit na ko, inunahan ko na bago pa ulit mangulit. Ang akala ko hihirit ulit, pero wala, tahimik siya. Naupo siya sa tabi ko, malungkot. ‘nasigawan mo ata, mag sorry ka.’ Ayan na naman ang konsensya ko. Pero tama, napakalupit ko nga. ‘pero pwedeng tig-isa na lang tayo ng headset, eto o.’ ayan, pwede na ring sorry yan. Buti na lang kinuha niya, ayokong maguilty. Nangiti na rin siya. Ilang minuto ang lumipas, tumunog ang bell. Pasok ko na, pansin ko rin pati siya. ‘tara na classmate, pasok na tayo, tabi tayo ha ?’ naku, kung kaklase ko pala to baka ma confiscate discman ko, ayaw pa kasing ibalik headset ko. ‘a hindi, sa 407 ako, gud luck’ Buti na lang. ‘a ok, o ayan na, agahan mo na lang uli pumasok ha ?’ hindi ko alam kong matutuwa ako, dahil sa bagong kaibigan. O malulungkot, bukas, makalawa, puro ingay na lang maririnig ko.
“eto ang unang araw na, wala ka na…”
“unang araw na naman? Sabi ng ayoko niyan eh, mamaya maging theme song namin yan ng boyfriend ko, lipat mo.” Nakangiti pa kung magmani-manageran. Isang buwan ko na nga pa lang kasa kasama to. Ewan ko ba, bakit ako napaaga ng pasok kinabukasan gaya ng sabi niya. “Bakit ba kasi unang araw lagi? Uyyyy.” Natigil ako, gusto kong sabihing ayoko ng ganyang usapan, huwag na muli akoy yumuko na. “sige na nga, di na kita kukulitin pero Burnout na lang ha?’ ano pang magagawa ko i-pinindot na niya. Ganyan tuwing umaga namin. At bago magklase, inspirasyon ang aming mga ngiti.
‘uy late ka, musta?’… ayan, antithesis na ko ng pinagsasabi ko nung una. Kinakamusta ko siya eh parang oras lang ng huli kaming magkita. Medyo malungkot siya. Siguro meron lang. Inisip ko, as usual, pang alis na rin ng nakanguso kong barkada, ang headset niya. ‘a hindi, meron na kong discman, tignan mo o Sony… Sonya…’ Ang galing ko talaga pumili ng makakasama, all I wanted is someone who makes me laugh, at siya, isa na naman sa kanila. ‘hehe, o sige, gift ko na lang sayo copy nito, ibu-burnan kita’. Hindi siya nakikinig, kinakalikot niya bag niya, marahil sa cd, o headset, o battery. Ewan ko ba, bigla akong nalungkot, siguro ayoko na ng feeling na hindi ka na kailangan, may mapagbabalingan na silang iba, at ayokong mauwi sa realization nila na mas masaya sila sa piling ng iba kaysa sa tabi mo, tulad ni… “ay pucha, nakalimutan ko battery ko, tanga, akin na nga”. Buti na lang sumingit siya. Ang panget kasi mag senti. Pagkabigay ko, lipat kaagad sa paborito niyang kanta, baka kasi magatanong pa uli. “Bakit mo nilipat? Sa Unang Araw na lang”. Nagulat pa ako. Ilang segundo ang lumipas. Napaisip ako, bakit ? Bakit unang araw na siya. Ayokong magtanong, gaya ko, marahil humihingi din siya ng respeto. “eto ang unang araw na wala ka na”. Nagkasabay kami. Pero iba, sa halip na magtitigan at ngumiti, yumuko kami, nakatitig lang sa mga taong nagdaraan. “nga pala, hawakan mo nga to, magkita na lang tayo sa Sabado, nawala ko kasi yung date ko diyan kaya tayo na lang”. Wala akong gustong tignan kundi siya. Naiiyak siya sa huling linya niya. Naiiyak siya nang lumisan. Hinawi niya ang panyo ang kanyang mga pisngi, bago pumasok sa klase. “sabado, wala namang klase kapag…” natigil ako, nang makita ko ang inabot niya, ticket, concert ng sugarfree. Sana tinitigan ko muna, hindi ko tuloy nasabi, Thank You…
“uy late ka, akala ko ikaw mas excited dito?” At least nakangiti na siya, di gaya ng inaakala ko, marahil tinuturuan niya ako, paano dapat after ng break-up, move on, pero sa gaya kong ideyalista, pag-arte ang tawag dun. “Tara na”, tugon ko na lang. ‘Thank You pala’, habang papasok sa warehouse.
Kasabay ng hiyawan at paminsan-mnsang senti, naisip ko… Pare-parehas kaya kaming bigo? Magkakasama siguro kaming mahihina kaya dinadaan na lng namin sa musika. at ang mga banda gaya nila Ebe, binubuhay ang aming mga karanasan, ang galing nga, paano kaya nila naisip ang mga taong gaya namin. Naranasan din kaya nila to? Buti na lang andiyan sila, karamay namin, kaya hindi nakakasawa.
Muli, natapos ang hiyawan. Babalik na naman kami sa aming mundo. Sa aming mga kuwarto, pinapanood kung paano hawiin ng hangin ang usok ng sigarilyo, at ang mga kantang emo. Muling malulungkot, iiyak tuwing brownout, tuwing close na ang mga shops na bilihan ng batt.
“saan ka?” maluluha niyang tanong. On the background kasi ang pareho naming favorite song, last song na nila. Nailing ako, wala akong maisip, o ayoko lang umalis, bahala na, kahit saan huwag lang sa bahay. “sama ka na lang sakin, basta may alam akong lugar.” Pagpapatuloy niya. Ewan ko, kahit saan, basta andun ka lang.
Ang sinabi niyang lugar, isang burol, binabantayan ng isang malaking puno. “Sana wala kang third eye, tignan mo o.” Sabay turo sa malawak na lupang nasa ibaba, isang lumang sementeryo. ‘Nakakatakot naman dito, may third eye ako, may multo nga sa harap ko eh, naka-yellow…’ nakangisi kong tugon.’Hindi, black and white lang mga multo, hindi pwedeng…’ Natigil siya, siguro gets na niya, ang suot kasi niya, nagniningning na dilaw. Tumakbo ako, sana sakyan niya, habulin mo ako, gusto kong maglaro. ‘Humanda ka sakin loko’. Paikot-ikot kami sa puno, habang naghahabulan. Ang saya ng paligid. Tumango ako sa langit, inisip kong umiikot din ang mga bituin, nakikisaya sa amin. Natigil lang nang madapa ako, sabay halakhak. Ang sarap maging bata, sana naging bata na lang ako lagi, sana hindi na lang ako lumaki at natutunan ang ilang bagay, lalo na ang nagdulot sakin ng kabiguan. Akala ko may tatakip sa aking paningin at sisirain ang tawanan namin ng mga bituin at muli niyang aalisin ang malulungkot na bagay na aking iniisip. Pero wala. Andun siya nakaupo, hindi na naman masaya. Lumapit ako, itago man niya ang mukha niya sa shirt niya, alam ko umiiyak siya. Ayoko talaga ng idea na nakiki-simpatya, bagkus kung may malungkot, naghahanap ako ng paraan para mangiti lang sila. Bago pa ako makaisip ng joke ko, bigla na lang niya kong niyakap. ‘Alam ko malungkot ka rin, uyy, may namiss siya sa yakap ko.’ At least napangiti ko na siya. ‘Bakit ba kasi unang araw?’ pagpapatuloy niya. Ngayon ako naman ang malungkot. ‘wala tlagang tatalo kung all-out na ang feelings mo, hindi mo kayang dayain, turing na ulit sayo, isang kaibigan, at masakit pa nun, kung kaibigan mo ko, ako na siguro yung pinaka-boring kasama… Yun marahil kaya niya ako iniwan’. Tumingin ako sa langit, ang mga bituin na kaninay nakikisaya, tila pinapahid ng mga dumadaang mga ulap ang kanilang mga luha. ‘Gusto kong isipin na kahapon lang nangyari ang lahat, at ngayon, ang unang araw na wala na siya.’ Sana kuntento ka na, ayoko na. ‘Bakit hindi ka manligaw? Sabi ko nga hindi pa siya kuntento. ‘Kaya nga unang araw eh, siyempre kabi-break niyo lang kahapon tapos manliligaw ka na uli ng iba, kakaguilty naman nun. Ewan ko, siguro inaantay ko pang may Part II.’ Bukod sa maiitim na ulap na nagdaraan, may nagbabagsakang bulalakaw. Akala ko magdamag ko na lang bibilangin ang mga nahuhulog na bituin sabay ng hindi maubos-ubos na kahilingan sa buhay ko. Pero hindi. Lumapit siya, napapikit ako nang magdikit ang aming mga labi, tuloy hindi ko na sila nabilang. Pero wala na kong paki, hindi naman nagkakatotoo ang mga hiling ko eh, nang gabing iwan niya ako, sampu ng nakita kong falling stars, laman nun ay ang paulit ulit na wish ko, sana may part II pa po. Natapos ang gabi, gaya sa mga pelikula, paakyat ilulugar ang lente ng kamera, patungo sa buwan at mapapilitan ng sikat ng araw. Iniwan kitang natutulog pa, inisip kong ang nangyari kagabi, dala lang ng pagiging tao natin, o dala lang ng siguro ng lungkot, hindi ng puso, hindi pagmamahal…
Lunes, wala ka pa… wala pa rin gaya ng ilang Lunes na nagdaan. Marahil nagkamali nga ako sa pag iwan sayo. Gusto kitang makita. Pero wala ka, sa tambayan, wala ka sa shop ng SONYA dahil akala ko isang buwan lang warranty ng discman, pero sa burol, may kahawak ka. Marahil ang part II na hinihiling ko, hindi kailangang sa iisang tao. Buti ka pa, nahanap mo na ang part II, ng pag-ibig mo. Bukas para sa iyo ang paborito nating linya, ang unang araw na wala ka na…
-END-
kristian fajardo enriquez