demn.. i didnt go to the lacquian family reunion in subic today. bad trip talaga ang rotc.. T_T
just went home from desi's condo in katipunan.. we played ps2, pigged out, played cs and watched dvd's.. demn.. sometimes, i really feel that i am starting to become a boy.. wag naman sana.. masaya maging babae.. :) imagine 24/7 kasama mo puro guys.. pag nangsspot sila ng chicks, pag naglalaro kami ng initial d sa timezone, pag food trip, pag biglaang mga lakad, pag [osige na, masama na kung masama..] pinagtatawanan namin yung mga bading pag sobrang tintry nilang magbihis babae, mga inuman dahil nababad trip sa buhay at sa lovelife.. hay.. wag naman sana.. alam ko naman hanggang boyish lang ako pero minsan lang talaga.. parang feeling ko lalake na ako.. x_x
grabe.. bagong record to kay hazel cruz.. alala niyo yung dati kong bowel endurance record from ortigas to taft? kung di niyo naaalala, kindly refer to
holding it in.. mas malupit na ako ngayon pero nanghina talaga ako as in big time.. feeling ko lang namumutla na ako kanina sa lrt2 at lrt1 habang pauwi.. nagcommute lang kasi ako pauwi.. grabe talaga.. noon ko lang nafeel yung beads of sweat sa forehead ko trickling down my face.. pagdating ko sa bahay, grabe.. [kung kumakain ka, wag mo nalang basahin..] nakakalahating kilo ata ako.. bwahahaha! demn.. i am sick..
sabaw ng test kahapon sa alge.. either pasang awa nanaman ako o bagsak.. nagets ko lang yung conic section the day before the test.. anong oras pa ko nakapagsimula magaral ng konti kasi naggym pa kami ni marice.. speaking of gym, sinasabi ng mga tao di ko na daw kelangan maggym kasi di naman daw ako mataba.. e gusto ko parin maggym para pagdating ng april, j.lo abs ako sa bora! [walang kokontra! libre mangarap!!!]
nanood kami ng domino ni lil bro tids kahapon sa greenbelt.. may isang scene dun sobrang astig.. akala ni domino kelangan putulin yung right arm nung hostage nila. ginawa ni choco [best friend ni domino] kinuha yung shotgun at dalawang beses binaril yung head ng humerus nung lalake.. hahaha! ang sick grabe. kitang kita yung dugo at malamang napaiyak sa sakit yung hostage. overall, id give it a 3.5 out of 5.. typical movie.. ok yung effects.. medyo magulo lang yung storyline kasi a la daredevil na may flashback at sinamahan pa ng present.. pinromise ko kasi sa sarili ko na di na ko manonood sa glorietta after nung ginapangan ako ng ipis sa loob ng sinehan nung nanonood kami ng blockmates ko ng corpse bride.. wala na palang doom sa greenbelt!!! sayang!!! gusto ko pa naman sana.. T_T
onga pala. since namimiss ko na magtennis, ako'y maglalaro sa sem break namin sa december.. nakakamiss humampas ng bola.. feeling ko lang talaga sobrang bano ko na ngayon maglaro.. T_T kung nagkataon, baka turuan ko pa si "cousin" rj maglaro.. hehehe.. sana lang maintindihan niya ang turo ko.. kung wala siya, tj!!! tagal na natin di gumigimik!!!! :P
malapit na siya.. november 4 na ngayon.. ayaw ko talaga dumating ang araw na yun.. papatayin ko cell phone ko.. magtatago ako sa ilalim ng bato para walang makakita sakin..
onga pala! kartfest ay sa november 12 sa speedzone, the fort!!!! suportahan niyo ang aming team, amazing friends of mr. biggles.. endurance race kami.. 30 minutes per person sa kart e apat kami.. nak ng tinapa.. x_x i'm racing for la salle!!! hehehe..
o siya siya.. ako'y tapos na magblog kasi may date pa kami ni ket sa ayala museum.. mawawalan nananaman ako ng pera.. grrrness..
_______________________________________________________________________________________________________________
pahabol: nagpapasalamat ako kay rizal na pinakilala niya saatin si kapitan tiyago / tiago / tyago.. o basta yung tatay-tatayan ni maria clara.. salamat din kay dr. hila at naipaliwanag niya ng mabuti kung anong uri ng mga tao sa lipunan ang kinakatawan ni kapitan tiyago. sabi kasi ni prof [naks, close kami.. haha! joke! :P] si tiyago raw yung isang uri ng tao na walang planong "iimprove" ang kanyang sarili. tanga daw si tiyago. harapan na siyang niloloko ni pia alba, wala man lang siyang imik. di siya umaangal. wala siyang sariling salita. ayaw niya kasi ng may nakakaaway lalo na ang gobyerno at simbahan. ayun.. tinamaan ako sa parte na di nagbabalak iimprove ang sarili.. siguro nga ngayon sabog sabog pa ko pero yun nga.. kelangan umabot rin sa punto na magsisimula na akong mag-ayos kasi kung hanggang sa paggraduate ko sa kolehiyo at ganito parin ako, baka walang mangyari sa buhay ko..