mga discoveries at realizations ko sa araw na ito.

Oct 16, 2005 21:41

nakakatuwa. kanina ko lang nadiscover na marunong pala ako magdrawing. @_@ take note, iba po ang marunong sa magaling. nililinaw ko lang po. wala lang. nakadrawing ako ng angel na umiiyak [parang yung dati kong background] at yung picture ko na natutulog. first self-portait ko yun. wala lang.

di ko alam kung dala lang ng regla ko yung masamang mga araw ko pero nababadtrip talaga ako e. alam ko na ngayon kung bakit ayaw kong umuwi sa paranaque. gets ko na siya. narealize ko rin lang iyun kanina nung nasa may leon guinto na kami ni ermat dahil siya ang naghatid sakin dito. ayaw ko umuwi sa bahay kasi ayaw kong maalaala na di lahat ng gusto ko sa buhay mangyayari. yun. weird ba? para sa inyo siguro oo pero sakin napakalinaw niya.

one bad trip talaga yung kahapon. grrr.

napansin ko lang na may fascination pala ako sa mga anghel. ewan ko kung bakit. kahit nga yung theme ng phone ko ay hed kandi disco heaven. may isang angel na may hawak na disco ball. ang cute. masasabing hot angel siya. wala lang.

kanina sa bahay, habang pinapanood ko yung dvd ko ng one tree hill at nagpapalinis ako ng kamay at paa sa aming long time manicurista na si manang beth, nilapitan ako ni cousin billy. aba! sinabi niya sakin "lapit na birthday mo a!" nabadtrip ako bigla. wala na kong masabi kungdi, "pinaalala mo pa..". umalis nalang siya. napakahostile ko talaga. honestly, di ko na alam kung anong nangyayari sakin. di ko alam kung hanggang kelan ito. minsan nga, di ko na kilala kung sino ako e. ang hirap talaga maghanap ng isang bagay na di mo naman alam kung ano. kungbaga, gusto mo magdissect ng palaka. gusto mo siyang balatan ng buhay at makita ang laman-loob niya yun nga lang, di mo alam kung pano kasi di mo alam na ang instrumentong scalpel ay nageexist. magaling. hinahanap mo yung scalpel pero di mo alam kung anong ichura niya. gets? malabo na kung malabo. umoo nalang kayo.

di ko pa alam kung anong kalokohan nanaman ang sasalihan ko sa aking paboritong holiday ng taon. sinong gustong sumama sakin magtrick or treat? wala lang.

sorry talaga kengkoy at di kita nabati noong birthday mo. nabati naman kita e. mga 11:50-something na ng gabi nung. di ka pa nga nagreply e. wala pa akong regalo sayo. nak ng tinokwa. kelangan magtipid. shiet.

nakakatawa naman yung kantang "akin ka nalang" ng itchyworms. kung pwede lang sana, akin ka nalang!!!!!!!!!!!!! rawr!!!! iingatan ko ang puso mo. :)

pahabol: ang cute ng smiley ng mood ko ngayon.
Previous post Next post
Up