Oct 12, 2005 22:29
naiinis na ako kay kyle. [siya ang palaka ko sa zoology. yung skeleton at yung patay na palaka sa taas ng cabinet ko na babad sa formalin. pareho silang kyle ang pangalan. galing ito sa pangalan ng kaisa isang ex ko. hahaha! :D] ang baho na niya [amoy panis na laway. pag hinawakan mo ng matagal, didikit yung amoy ng panis na laway sa daliri mo.], ang hirap pa pag-aralan. ang labo ng hand-outs. di masyadong coordinated ang activity sheet, atlas at hand outs namin. grrr. pero sige.. ok lang.. tae. pinagiisipan ko pa nga kung magshshift pa ako ng communication arts. gusto ko talaga.. kaso aabot ba ang grade ko? isa pa yung psychology. di ko naman talaga hilig to e. napasubo lang ako kasi iyon yung gustong course ng ermat ko para sakin. balak niya maging doktor ako paglaki.
galing nanaman akong glorietta kanina, pero magisa. ayaw ni kuya at ni key magglorietta kasi umuulan daw. ok. ako nalang. pag sinabi ko kasi na gagawin ko, gagawin ko talaga. anywho. bad trip kanina sa mrt station ng taft. grrr. isipin mo ba naman isang window tatlong pila?! tae. nagsiksikan ang mga commuters kanina. kasama ako dun. yuck talaga nagkadikit dikit kami ng mga mama sa pila. tulakan pa. lecheng mga tao yan. di marunong makaintindi ng salitang "bigayan". anak ng. ito na punang puna ko sa mga lalakeng nagcocommute. kanina kasi sa lrt at mrt. may mga babaeng nakatayo. isa na ako dun. tinitignan ko kung may lalake na magbibigay ng upuan niya para sa kungsinomang babae na nakatayo. wala. ambabastos talaga. kaya ginagawa ko pag ako ang nagcocommute, pag may nakikita akong matanda, ako pa yung tumatayo para naman mapansin ng mga walang hiyang lalake na ako babae nagbibigay ng upuan sa matatanda. mahiya naman sila kalalake nilang tao.
pumunta ako ng glorietta kanina para kumain sa sbarro. ewan ko ba. naaadik na talaga ako sa italian food at soya milk. x_x ang sarap talaga ng baked ziti with white sauce. dapat oorder pa ako ng philly steak stuffed pizza kaso wala na akong pera. boo!!!!
nakakatawa. ngayon ok na ako sa la salle. seryoso. siguro oras na nga na tanggapin ko na di talaga ako pang-ateneo. ok lang.
d.l. si aids. wow. *bow to aids* elibs. siya lang ata sa block ang dean's lister e. kainggit. buti pa siya. tae kase. kelangan ko na magsimula mag-aral ng seryoso. kelangan makashift sa communication arts!!!
onga pala. naisip ko lang kanina ito ang mga balak ko para sa susunod na taon:
1.) sumali na talaga sa dlsu pep squad. gusto ko bass drummer ako. astig.
2.) sumali sa sarian o capoeira. kelangan ko matuto kahit isang form lang ng martial art.
3.) maging core member ng alyansang tapat sa lasalista.
4.) sumali sa nihon kengkyu kai [japanese org sa la salle].
5.) kolektahin ang sandman series ni neil gaiman.
6.) maging consistent dean's lister. [libre mangarap! walang kokontra!]
mababaw sila lalo na ang #5 pero ok lang. at least, may goal ako sa susunod na taon.
pinadrawing ako ni kuya kanina sa isang papel. mejo accurate yung interpretation niya.
1.) naghahanap ako ng spiritual enlightenment.
2.) naghahanap ako ng improvement sa emotional at spiritual aspect.
3.) naghahanap ako ng fulfillment sa love life ko.
4.) hinihintay ko dumating yung "the one" ko.
5.) pag tinamaan daw ako, yun na yun. ika nga, stick to one. [eto, talagang napakaevident. kitang kita ko. hahaha! :D]
6.) nagyyearn daw ako kay God. woah. well at some point, i did. but i stopped. now, im jsut yearning for answers to my questions.
psychology shit nanaman. pero magaling siya a? wala lang.
tae ang rotc sa sabado. 630 ang pasok namin!!!!!!!!!!!!!!!! waaaaaaaaa. nakakaiyak. tae talaga. good luck sayo, regine hazel cancio cruz! sana buhay ka pa pagdating ng lunes. malapit ka na ma- f.a. sa p.e. ang aga kasi. >_<
kakasabi ko lang kay ket ngayon ang closing quote ko para sa gabing ito. "the world is such a broken place. everyone is in pain."