punyeta

Jun 05, 2006 19:09


dumating na ang kinakatakutan ko. nirerenovate yung ibang kwarto sa bahay namin ngayon. yung den saka yung area kung nasan yung kwarto ko. papalakihin na tapos lalagyan ng bintana at (possibly) ng balcony na connected sa balcony ni vill.

okay yun. pero kailangan 'to gibain! punyeta! para akong na heartbroken, seryoso! ito naaaaa..



dati pa namin napag-usapan 'to, actually. kasi ang reklamo ko noon, walang ventilation sa kwarto ko. medyo sablay kasi pagkagawa ng bahay na 'to eh. kumbaga, sa dami ng dumagdag na bahay sa tabi namin, sa daming renovation na ginawa, yung mga dati namang walang problema, ngayon narerealize namin pangit at uncomfortable at hassle pala. parang yung bodega/attic namin dito, ang labo ng pwesto. nasa tabi ng kwarto ko. so dadaan ka pa sa kwarto ko para makarating dun, gets? ang laking abala! bwisit kaya. eh dati kasi kwarto ko 'yon nung bata pa ako, tapos itong kwarto ko ngayon, sa ate ko. tumira ate ko sa states kaya yung kwarto niya akin na. tapos pina extend yung bahay namin noon kaya nagkaroon ng bagong kwarto ate ko (na may balcony). yung luma kong extension na kwarto sa kwarto niya, ginawang tambakan. kaya ayun, tuwing may ilalagay na gamit tulad ng tv o electric fan o furniture, dadaan sa kwarto ko. hindi ko na nga mabilang lahat ng nabasag kong gamit dahil natatamaan nila.

tapos ito pa, may bintana ako sa kwarto, oo, pero pucha katapat ko PADER ng kapitbahay! sobrang walang hangin na umiikot sa kwarto ko. pusta tayo ako ang pinaka-immune sa init kaysa sa inyong lahat. masama pa don, may pc ako sa kwarto. yung nanay ko OC sa kuryente (sino bang hindi, unless napaka yaman ng magulang mo) at pinapatay yung aircon pag umaga na. pwede naman mag-aircon kahit umaga o hapon eh, pero may mga kondisyon. pag nag-aaral ka o kaya may bisita and whatnot, pero nakakahiya minsan na mag aircon magdamag. at yung kwarto ko ang tipong kwarto na dapat laging may aircon, ha. kaya nga minsan lang ako tumambay sa kwarto ko eh. pag gabi lang talaga o kaya kapag umuulan/bumabagyo.

gigibain yung pader ko na 'yan (sa likod nyan, yung tambakan na eh) ieextend na yung kwarto ko, magkakabintana na, magiging mas malaki. pero paano na ang lahat ng iyon? ang dami diyan na IMPOSIBLE ma duplicate. nabura ko na yung file, o kaya nawala. marami din na pinrint ko gamit yung photo printer ko na maliit, meron siya nung "photobooth effect" na malupit. (parang yung picture namin ni mika at chiara diyan) pero nagagawa lang yon straight from the memory card. eh malamang wala na yun sa memory card ko, last year pa yan eh. basta marami pang rason kung bakit hindi na yan mauulit ng ganyan talaga!

nagsisisi ako na ginawa ko siya in a way na dapat sana nandiyan na siya habang-buhay! bobo bobo bobo!

gaya nga ng sabi ni patty, hindi ko na siya pwedeng ulitin, because it's already perfect!















ito ang kadalasang nakukuha kong tanong sa mga kaibigan ko nung kinukwento ko ang kasaklapan na 'to:

1. bakit hindi mo tanggalin isa-isa tapos ibalik ulit sa bagong kwarto?
imposible. naka double-sided tape yan, tsong. imposibleng makukuha ko yan lahat in one piece. saka yung paraan ng pagkagawa ko, tulad ng sinabi ko kanina, yung hindi mo na dapat ilipat pa. kasi may iba diyan patong-patong, may ibang naka-design ang anggulo, ginamitan ko pa ng maraming negatives para takpan yung mga maliliit na vacant spots ng pader para talaga mukhang takip na takip. sinubukan ko na rin magtanggal ng iba diyan eh, yung mga ayaw ko na, pero hindi ko tinuloy kasi yung mga pictures sa tabi nya, nadadali, napupunit din, o kaya yung pader sumasama. may mga puso pa diyan at mga maliliit na paper mache boxes pang design na nalalaman. huhuhu grabe, inisa isa ko talaga yun!

2. pagtiyagaan mong gamitan ng cutter yung pader at tuklapin mo?
hindi rin pwede kasi hindi wallpaper ang pader ko. pintura lang yan. fancy pintura.

3. picturan mo yung buong wall mo ng high res tapos i-print mo?
tangina, gago ka ba?



to add insult to injury, sira lahat ng camera ko ngayon. masaya na malungkot kasi matatanggal lahat ng basura ko dito at magdedesign ako ng bagong kwarto. therapeutic. i need ideas. in the meantime, i'll fucking miss that wall.

hassle, photography, angst

Previous post Next post
Up