comment to ni jong

Mar 09, 2007 19:56

nauubos ang ilaw
sabi nila nahuhulog daw ito
sa dulo ng dagat

ang pagitan ng pagkamatay
ng kislap sa gitna ng tubig-dagat
at ulap ay gunita
ng bawat minuto at segundo

ng alaala...
ng memorya...

kapag ipinahinto natin ang oras
makikita ang larawan
ng ikaw at ako

ni: jong
KAPAG HUMINTO ANG ORAS SA TAKIPSILIM
Previous post Next post
Up