Walang Pamagat (Dahil Ako'y Isang Batugan) [Untitled (Because I'm Lazy)]

Jan 19, 2008 21:53

title Walang Pamagat (Dahil Ako'y Isang Batugan)
genre lyric, general
type poetry
length 200 words
rating G
language Tagalog
description And yet another MPs10 submission! This one's slightly different. We weren't given any kind of limit. The only requirement was to write a poem (or look for a poem you previously wrote) and read and dedicate it to a person or a group of people. What was important in this activity was how the selected audience would react or feel about the piece. I disregarded imagery and objective-correlatives for this piece and just wrote down whatever entered my mind. I read this poem to my college barkada and it's mostly about the times we spent together and how we're about to separate soon. There are some inside jokes, as well. I was having second thoughts about posting this one here, but I did so anyway. My friends liked it, or at least, that's what they told me. b:
date 2007-02-16


Ako'y tutula, mahabang-mahaba.
Ay, ay  joke lang! Ako pala ay isang batugan
Kaya ang aking alay, isang tula
kung saan, kayo ay tiyak na malulusaw.

Kay tagal na nating magkakasama,
mga dalawang taon na din ang lumipas.
Nag-damayan sa hirap at ginhawa.
Iba't ibang machine problem, ating tinahak.

Katakawan ang humatak sa atin
para mga tadhana nati'y magkatagpo.
Isang tanghali, kumain sa canteen
at lahat ng hiya'y bigla na lang naglaho.

Simula no'n ay napuno ng saya
ang aking mga araw at gabi sa UP.
May konting iyak, at maraming tawa
sa 'ting mga panlalait at joke na corny.

Kung 'di tumatambay lang sa corridor
tayo ay nagchi-chismisan sa kung saan man.
Nag-overnight na din hanggang sa mahamon
at mamaho dahil ang ligo'y nalimutan.

Matatag na ang ating pagsasama.
Kaya nating lagpasan, kahit ano'ng hadlang.
Kahit reglahin pa 'yang si Ursula
tayo ay handa pa ring pumuntang Boracay!

Ngayong malapit na ang pagtatapos
sana'y lagi pa rin tayong magkakasama.
H'wag limutin sa bawat pagtutuos
ang ating pagsasamang puno ng ligaya.

Ayan, narinig n'yo ang aking tula.
Maniwala kayo, hindi 'to isang biro.
Iyan na, pwede na kayong tumawa.
At para cool, ako'y uupo, tapos na po.

rating: g, year: 2007, genre: lyric, poetry, original: fiction, language: tagalog, genre: general

Previous post Next post
Up